|
||||||||
|
||
Isasagawa nito ang soft landing sa buwan, at magbabalik din ng sample, dagdag niya.
Ani Yu, ayon sa plano, awtomatikong kukunin ng Chang'e-5 ang mga sample sa ibabaw ng buwan, lilipad mula sa buwan, magsasagawa ng unmanned docking sa orbita ng buwan, at babalik sa mundo sa pinakamatuling paraan.
Ang mga ito aniya ay magiging kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lunar exploration ng Tsina.
Isiniwalat din ni Yu ang plano ng mga susunod na lunar probe ng Tsina; tulad ng nakaplanong pagkuha ng Chang'e-6 ng mga sample sa south pole ng buwan, pagsusuri ng Chang'e-7 sa mga yaman sa south pole ng buwan, at pagsubok ng Chang'e-8 sa mga masusing teknolohiya sa ibabaw ng buwan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |