|
||||||||
|
||
Ito ang nakasaad sa pahayag na inilabas kahapon, Sabado, ika-19 ng Setyembre 2020, ng TikTok, pagkaraang sabihin ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na inaprobahan niya ang kasunduan sa pagitan ng naturang tatlong panig.
Ang nabanggit na kasunduan ay isinumite sa mga awtoridad-Amerikano nitong Lunes at kasalukuyang pinag-aaralan ng White House.
Ayon dito, ang Oracle ang magiging "technology provider" ng TikTok at mamamahala sa lahat ng mga data ng mga gumagamit nito sa Amerika, para lubos na bigyang-kasiyahan ang mga pangangailangan ng panig Amerikano sa aspekto ng pambansang seguridad.
Samantala, ang Walmart naman ang magiging "commercial partner" ng TikTok.
Maa-ala-lang paulit-ulit na ipinahayag ni Trump at ilang pulitikong Amerikano, na ang TikTok ay banta sa pambansang seguridad ng Amerika, kahit wala siyang ibinigay na ebidensya para suportahan ang paratang na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |