|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono, Setyembre 20, 2020, nina Punong Ministrong Yoshihide Suga ng Hapon, at Pangulong Donald Trump ng Amerika, ipinahayag nilang palalakasin ang relasyong Hapones-Amerikano.
Ito ang kauna-unahang diyalogo sa telepono ng lider ng Hapon at Amerika sapul nang manungkulan ni Yoshihide Suga bilang PM ng Hapon.
Bukod sa alyansa ng Hapon at Amerika, ipinahayag ng dalawang panig na isasagawa ang mahigpit na kooperasyon sa isyu ng Hilagang Korea at paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Matatandaang nagbitiw sa puwesto, Agosto 28, 2020, si Shinzo Abe, dating PM ng Hapon, dahil sa problema sa kalusugan.
Nanungkulan naman Setyembre 16, 2020, si Suga bilang ika-99 na PM ng Hapon.
Si Suga ang siya ring Tagapangulo ng Liberation and Democratic Party ng Hapon, kasalukuyang naghaharing partido ng bansa.
Sa araw ring iyon, binuo ni Suga ang bagong gabinete.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |