Sa kanyang pagbati para sa Araw ng Masaganang Ani ng mga Magsasaka, ngayong araw, Martes, ika-22 ng Setyembre 2020, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), tagtuyot, tagbaha, at bagyo, hindi naging madali ang anihan ngayong taon at dapat tunay itong pahalagahan.
Aniya, napakaraming magsasaka at lokal na opisyal ang nagpakasakit sa pag-oorganisa ng napapanahong pagtatanim habang nilalabanan ang pandemiya, at ang mga ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng malakas na pangkalahatang istabilidad na pang-ekonomiya at pag-unlad ng lipunan.
Para maitayo ang lipunang nagbibigay pansin sa kapaligirang pang-agrikultura, kanayunan at kapakanan ng mga magsasaka, pinaiiral ng Tsina ang patakarang "Three Rural Issues," na kinabibilangan ng: agrikultura, kanayunan, at magsasaka.
Salin: Liu Kai