|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kahapon, Martes, ika-22 ng Setyembre 2020, ng Cable News Network (CNN), ang bilang na ito ay katumbas ng 858 kataong nasasawi bawat araw, sapul nang matuklasan noong Pebrero 6 sa Amerika ang unang kumpirmadong kaso ng namatay sa COVID-19.
Sinabi rin ng ulat, na ang bilang na ito ay mas malaki rin kaysa kabuuang bilang ng mga namatay sa nagdaang limang digmaang nilahukan ng Amerika, na kinabibilangan ng digmaan sa Biyetnam, digmaan sa Hilagang Korea, digmaan sa Iraq, digmaan sa Afghanistan, at Gulf War.
Ayon naman sa pagtaya ng mga siyentista, kung hindi makokontrol ng Amerika ang pagkalat ng COVID-19, hanggang sa katapusan ng taong ito, posibleng mamatay sa sakit na ito ang 180 libo pang tao sa Amerika, dagdag pa ng ulat.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |