Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping sa komunidad ng daigdig: igiit ang pagsuporta sa multilateralismo at pagtalima sa mga pangako sa UN Charter

(GMT+08:00) 2020-09-25 10:52:22       CRI
Hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang komunidad ng daigdig, na igiit ang pagsuporta sa multilateralismo at pagtalima sa mga pangako sa Charter ng United Nations (UN).

Winika ito ni Xi, sa kanyang pakikipagtagpo sa pamamagitan ng video link, kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, Miyerkules, ika-23 ng Setyembre 2020, sa Beijing.

Tinukoy din ni Xi, na kumakalat pa rin ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at nakahanda ang Tsina, na patuloy na ipagkaloob ang suporta at tulong sa mga bansang may pangangailangan para sa paglaban sa pandemiya, at patuloy na katigan ang mga sistema ng UN sa pamumuno ng pandaigdig na kooperasyon sa aspektong ito.

Inulit ni Xi, na pagkaraang matagumpay na ma-idebelop ng Tsina ang bakuna laban sa COVID-19, ito ay magiging "global public good," at magkakaroon ng abot-kayang presyo, lalung-lalo na para sa mga umuunlad na bansa.

Sinabi ni Xi, na lumitaw ang maraming bagong problema sa panahon ng pandemiya, at hindi hiwalay ang mga ito sa isyu ng kapayapaan at kaunlaran.

Aniya, dapat patingkarin ng UN Security Council (UNSC) at mga pirmihang kasaping bansa nito ang papel ng mekanismo ng kolektibong seguridad.

Ang pagsasagawa ng unilateralismo at hegemonismo ay salungat sa mithiin ng mga sangkatuahan, diin niya.

Dagdag ni Xi, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, nakikita rin ang mga depekto ng pandaigdigang sistema ng pamamahala, kaya naman dapat isaalang-alang ng iba't ibang panig kung paano ito pabubutihin.

Pero, hindi nararapat bumuo ng panibagong sistemang kapalit nito, saad niya.

Binigyang-diin niyang, iisa lamang ang sistema sa daigdig, at ito ang pandaigdigang sistema kung saan ang sentro ay UN.

Aniya pa, iisa lamang din ang set ng mga tuntunin, at ito ay mga saligang norma ng relasyong pandaigdig batay sa UN Charter.

Sinabi rin ni Xi, na gusto lamang ng Tsina, na magkaroon ng mas maligayang pamumuhay ang mga mamamayan nito, at magbigay ng mas malaking ambag para sa buong sangkatauhan.

Samantala, hindi magkikibit-balikat ang Tsina habang sinisira ng iba ang soberanya, dignidad ng nasyonalidad, at puwang na pangkaunlaran nito, dagdag ni Xi.

Nanawagan siya sa lahat ng mga bansa, na isa-isang-tabi ang mga pagkakaiba sa bansa, nasyonalidad, kultura, at ideolohiya, para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Sinabi naman ni Guterres, na kinakaharap ngayon ng daigdig ang mga krisis at hamong gaya ng pandemiya ng COVID-19, pagbabago ng klima, at iba pa.

Lalo pa aniyang kinakailangan ang multilateralismo, pandaigdig na kooperasyon, at mas malakas na UN.

Pinasalamatan din niya ang palagiang pagsuporta ng Tsina sa multilateralismo at UN.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>