Naalala ang mga yumaong pambansang bayani ng Tsina sa isang seremonyang ginanap sa Tiananmen Square sa Beijing, sa Araw ng mga Martir ng bansa, ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Setyembre 2020.
Dumalo sa seremonyang idinaos sa harapan ng Monument to the People's Heroes, sa Tiananmen Square, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ibang mga nakatataas na lider ng partido at estado, kasama ng mga 1,800 kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan.
Inihandog nila ang mga basket ng bulaklak sa mga nasawing pambansang bayani, at ini-obserba ang sandali ng katahimikan.
Salin: Liu Kai