|
||||||||
|
||
Winika ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Martes, ika-29 ng Setyembre 2020, kay Pangulong Nguyen Phu Trong ng Biyetnam.
Binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa naturang pandemiya. Inulit din niyang, bibigyang-priyoridad sa bakuna ng Tsina laban sa COVID-19 ang mga umuunlad na bansa.
Dagdag ni Xi, ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, at ito ay bagong simula ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Xi ang pagbati sa panig Biyetnames, para sa nalalapit na Mid-Autumn Festival, na ipagdiriwang ng mga mamamayan ng kapwa bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen ang pagbati para sa ika-71 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Sinabi rin niyang natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa paglaban sa COVID-19 at pagpapaunlad ng kabuhaya't lipunan.
Ipinahayag ni Nguyen ang pagpapahalaga at pangangalaga sa relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina. Umaasa rin aniya siyang patuloy na uunlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |