|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Oktubre 1, 2020 ay Ika-71 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Sa araw ring ito ipinagdiriwang ang tradisyonal na pestibal na Pestibal ng Gitnang Taglagas, kung kalian, nagsa-salu-salo at nagtitipun-tipon ang lahat ng miyembro ng buong pamilya.
Kaugnay nito, mayroong nakaka-aliw na kuwento ang pamilya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang pamiliya ni Xi Jinping.
Ang ama ni Xi Jinping na si Xi Zhongxun ay nanungkulan minsan bilang lider ng lalawigang Guangdong ng Tsina.
Pinamunuan niya ang mga taga-lalawigang ito tungo sa landas ng pagbubukas sa labas at reporma.
Naglalakbay-suri si Xi Zhongxun sa isang kompanya hinggil sa produksyon at reporma
Sinabi ni Xi Zhongxun na ang mga gawain ng pamahalaan ay dapat makabuti sa mga mamamayan at estado.
Hindi nakalimutan ni Xi Jinping ang pananalita ng ama, kaya sa kanyang unang pampublikong talumpati pagkatapos manungkulan bilang lider ng bansa noong 2012, sinabi ni Xi na, ang pangarap ng nga mamamayang Tsino sa maligayang pamumuhay, ay target ng pagsisikap ng pamahalaan.
Si Xi Jinping ay nasa Chongqing, para malaman ang kalagayan ng pagpapawi ng karalitaan
Samantala, ang ina ni Xi Jinping ay si Ginang Qi Xin.
Noong bata pa si Xi Jinping, laging ikinukuwento sa kanya ng kanyang nanay ang mga makabayang kuwento, at ang mga ito ay nagkaroon ng malalim na impluwensiya sa kamalayan ng pangulong Tsino.
Si Xi Jinping at ina niya
Kaya naman, sa kanyang panunungkulan bilang tagapaglingkod ng Sambayanang Tsino, ang kanyang pamantayang sinusunod ay, pagmamahal sa Inang Bayan at buong pusong paglilingkod sa mga mamamayan.
Ang bag na ginawa ng ina ni Xi Jinping, kung saan nakaburda karakter na "puso ng ina".
Lubos din ang pagmamahal ni Xi Jinping sa kanyang asawang si Peng Liyuan.
Sina Xi Jinping at Peng Liyuan.
Si Xi Jinping at anak na babae niya.
Sa mga mahalagang pangyayari sa daigdig, madalas magkasamang nakikita ang mag-asawa, at ipinakikita nito sa daigdig ang tradisyonal na kultura ng Tsina na pagpapahalaga sa pamilya.
Ang isang bansa ay binubuo ng libu-libong pamilya, at ang kaligayahan ng pamilya ay pangarap ng bawat tao at pangarap din ni Pangulong Xi Jinping para sa mga Tsino.
Ang kaligayahan ng mga mamamayang Tsino ay malalim na naipapakita sa kanyang ideya at aksyon sa pamamahala ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |