Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Mga karanasan at mungkahi sa pandaigdigang pangangalaga ng ekolohiya, ibinahagi ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-10-01 22:32:07       CRI

Ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30, ang United Nations Summit on Biodiversity.

Sa ngalan ng Tsina, sa kanyang talumpating naka-video, inihain ni Pangulong Xi Jinping ang limang mungkai at tatlong karanasan kaugnay ng pandaigdigang pangangasiwa sa dibersibidad na biyolohikal.

Ang batingaw-babala sa pananalasa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay muling tumutunog.

Ang tao at kalikasan ay may pinagbabahaginang tadhana at hinding hindi maihihiwalay ang pagpapasulong ng kabuhayan at pangangalaga sa ekolohiya.

Narito ang apat na mungkahi ng Tsina. Una, kailangang walang-humpay na manangan sa pangangala sa ekolohiya. Ikalawa, karapat-dapat na igiit sa multilateralismo at pandaigdig na pagtitiyaga sa pangangasiwa sa kapaligiran. Ikatlo, dapat manatili ang berdeng pag-unlad para mapanumbalik ang kabuhayan sa harap ng hamon ng pandemiya. Ikaapat, nararapat na palakasin ang pagsasabalikat ng responsibilidad para matugunan ang hamong pangkapaligiran.

Kaugnay ng naturang mga mungkahi, ang pananangan sa multilateralismo ay may espesyal na katuturan, dahil ang pag-aaruga sa iisang mundo ng sangkatauhan ay hindi uubra kung walang multilateral na kooperasyon.

Taliwas dito, bilang bansang may pinakamaraming ibinubugang greenhouse gas, tinatanggihan ng Estados Unidos ang pag-apruba sa Kyoto Protocol, at kasabay nito, tumalikod ito sa Paris Agreement.

Masasabing ang ganitong unilateral na aksyon ng Amerika ay humaharang sa berdeng pag-unlad ng daigdig, at nakakapinsala sa pandaigdigang pangangalaga sa ekolohiya.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi rin ng pangulong Tsino ang mga praktika ng bansa para mapasulong ang pangangalaga sa biodiversity at berdeng pag-unlad.

Kabilang sa tatlong pangunahing karanasan ng Tsina ang pagpapasulong ng pag-unlad ng ekonomiya alinsunod sa ideya ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapairal ng mga mabisang patakaran at aksyon, at aktibong pakikilahok sa pandaigdigang pangangasiwa sa kapaligiran.

Saad ni Xi, nitong isang dekadang nakalipas, lumampas sa 20 milyong ektarya ang paglaki ng saklaw ng kagubatan ng Tsina, at nangunguna ito sa daigdig.

Kasabay nito, pinaaga ng Tsina ang pagsasakatuparan ng mga target sa taong 2020 hinggil sa pagtugon sa pagbabago ng klima at pagtatatag ng mga nature reserve.

Upang ibigay ang mas malaking ambag sa pagsasakatuparan ng Paris Agreement, inulit ng pangulong Tsino ang target ng Tsina hinggil sa carbon dioxide.

Aniya, bago mag-2030, aabot sa taluktok at hindi na lalaki pa ang emisyon ng carbon dioxide ng Tsina. At bago mag-2060, maisasakatuparan ng Tsina ang carbon neutral.

Ang Ika-15 Conference of the Parties (COP 15) ng Convention on Biological Diversity (CBD) ng United Nations (UN) ay nakatakdang ganapin sa Mayo 2021, sa Kunming, Yunnan Province, Tsina.

Layon nitong marating ang balanse, malakas at naipatutupad na balangkas ng aksyon na katanggap-tanggap para sa lahat.

Tulad ng ibinida ni Xi sa kanyang talumpati, sa harap ng mga panganib at hamon sa pandaigdigang kapaligiran, may pinagbabahaginang tadhana ang lahat ng mga bansa, at dahil dito, hindi matatanggap ang unilateralismo, sa halip, ang pagkakapit-bisig at pagkakaisa ay siyang tanging tumpak na landas.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>