Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tangka ng Amerika na dungisan ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina, muling nabigo

(GMT+08:00) 2020-10-07 15:56:03       CRI

Nitong Martes, Oktubre 6, 2020, sa pagsusuri ng Ikatlong Komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) sa isyu ng karapatang pantao, lantaran at walang pag-aalangang dinungisan ng iilang bansang gaya ng Amerika, Alemanya at Britanya ang Tsina, at pinakialaman nila ang suliraning panloob ng Tsina.

Buong tinding pinabulaanan ito ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN. Aniya, mahigpit na tinututulan at ganap na tinanggihan ng panig Tsino ang di-totoong pagbatikos ng nasabing iilang bansa.

Sa sesyon, halos 70 bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino. Sinusuportahan nila ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at unipikasyon ng bansa. Lubos din nilang pinapurihan ang natamong bunga ng pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina.

Nabuo sa sesyon ang malakas na puwersa ng pagkatig sa Tsina, bagay na muling bumigo sa tangka ng iilang bansang gaya ng Amerika na sirain ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>