Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Oktubre 13, 2020 kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Vivian Balakrishnan ng Singapore, ang pagbati sa pananatili ng Tsina sa unang hanay sa buong daigdig sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.
Ipinahayag din niya ang pag-asang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa "new normal" na kalagayan.
Ipinahayag naman ni Wang na nakaranas ang relasyon ng Tsina at Singapore sa pagsubok ng pandemiya, at ibayo pang lumalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa magkasamang paglaban sa pandemiya.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng Singapore upang makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at pangangalaga sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Salin: Lito