|
||||||||
|
||
Sa taunang pulong ng International Monetary Fund (IMF) nitong Miyerkules, Oktubre 14, 2020, sinabi ni Kristalina Georgieva, Managing Director ng IMF, na sa kasalukuyan, bumabangon na mula sa krisis ang kabuhayang pandaigdig, at dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang kooperasyon upang pagtagumpayan ito.
Saad ni Georgieva, 9 na buwan na ang pakikipaglaban ng mundo sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lampas sa 1 milyong katao ang pumanaw, at masidhi nitong naapektuhan ang kabuhayang pandaigdig.
Aniya, tinaya ng IMF na sa taong 2020, bababa ng 4.4% ang kabuhayang pandaigdig, at magsisilbi itong pinakagrabeng ekonomikong krisis sapul nang Great Depression noong nagdaang siglo.
Sa darating na 5 taon, ang nasabing krisis ay hahantong sa 28 trilyong dolyares na kapinsalaan sa buong mundo, aniya pa.
Sa kabilang dako, sinabi ni Georgieva, na ayon sa pagtaya ng IMF, lalago ng 5.2% ang kabuhayang pandaigdig sa 2021, pero ito ay bahagi lamang at di-balanse ang pagbangon ng kabuhayan.
Diin pa niya, mahalagang mahalaga ang malakas na kooperasyong pandaigdig para maalpasan ang krisis, lalung lalo na, sa aspekto ng pananaliksik, pagdedebelop at distribusyon ng bakuna.
Aniya, ang progreso sa kooperasyong medikal ay makakapagpabilis ng pagbangon ng kabuhayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |