|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Oktubre 17 (local time), 2020 ng Ministring Panlabas ng Armenia at Azerbaijan na narating nila ang makataong kasunduan ng pagtigil-putukan sa rehiyong Nagorno-Karabakh.
Noong Setyembre 27, sumiklab ang bagong round ng sagupaan sa pagitan ng dalawang bansa sa rehiyong Nagorno-Karabakh, atinakusahan ng dalawang bansa ang isa't-isa na lumabag sa naunang narating na kasunduan ng pagtigil-putukan.
Nitong ilang araw na nakalipas, nagkaroon ng malaking human casualty ang dalawang panig, na kinabibilangan ng mga sibilyan.
Ang rehiyong Nagorno-Karabakh ay nasa dakong timog kanluran ng Azerbaijan kung saan karamihan ng residente ay Armenian.
Makaraang maghiwa-hiwalay ang dating Unyong Soviet, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan dahil sa isyu ng pag-aari ng rehiyong Nagorno-Karabakh.
Mula noong taong 1994, nananatiling ostilo ang kalagayan ng dalawang bansa dahil sa nasabing isyu, at okasyonal na nagaganap ang sandatahang sagupaan sa kapwa panig.
Salin: Lito
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |