|
||||||||
|
||
Heidelberg, Alemanya — Idinaos kamakailan ang promosyon ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China III" na itinataguyod ng CBT China Book Trading GmbH at Sino German Hi Tech Park Holding GmbH & Co. KG..
Sa kanyang video speech, tinukoy ni Sun Congbin, Consul General ng Tsina sa Frankfurt, na ang "Xi Jinping: The Governance of China" ay first hand material na nakakatulong sa pagka-unawa ng daigdig sa Tsina.
Sinabi niya na sistematikong inilahad sa aklat ang dahilan kung bakit nagtamo ng malaking pag-unlad ang Tsina, sumulong ang ideya ng landas ng pag-unlad ng Tsina, at umunlad ang ideya ng Tsina sa pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan.
Ipinahayag pa niya ang pag-asang sa pamamagitan ng aklata na ito, malalim na mauunawaan ng mas maraming kaibigang Aleman ang Tsina, ibayo pang mapapalalim ang pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at Aleman, at mapapasulong pa ang mapagkaibigang relasyong Sino-Aleman.
Salin: Lito
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |