Ipinadala nitong Lunes, Oktubre 26, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Luis Alberto Arce bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Bolivia.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Bolivia, at mabunga ang kanilang pragmatikong kooperasyon.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Bolivia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Bolivia para walang humpay na mapasulong ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito