|
||||||||
|
||
Sa komunike na isinapubliko kaugnay ng Ika-5 Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Oktubre 29, 2015, iniharap ng Tsina ang modelong pangkaunlaran na batay sa Limang Pangunahing Konsepto upang makamit ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Isinulong ang kaunlaran ng Tsina ayon sa ideya ng inobasyon, koordinasyon, berdeng pag-unlad, pagiging bukas at pagbabahaginan.
5 taong na ang nakakalipas. Anong bunga ang natamo ng naturang Limang Konsepto ng Pag-unlad? Ano ang mga hamon sa hinaharap?
Ibinahagi ni Dr. Kuhn, dalubhasang Amerikano sa usapin ng Tsina, ang kanyang opinyon hinggil dito.
Ipinalalagay niya na mula sa mga hangarin sa unang sentenaryo na maging may kaginhawahang lipunan sa taong 2020, patungo sa ikalawang centenary goal na lubusang maging modernong sosyalitang bansa sa 2050, napakahalaga ng naturang Limang Konsepto ng Pag-unlad para sa Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |