|
||||||||
|
||
Sa news briefing na idinaos Oktubre 30,2020 sa Beijing ng Komite Sentral ng CPC, ipinahayag ni Han Wenxiu, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Komite Sentral sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko, na bilang dalawang malalaking ekonomiya sa daigdig, malayong mangyari ang "decoupling" ng Tsina at Amerika. Wala itong idudulot na kabutihan sa buong daigdig.
Sinabi ni Han na noong ikatlong kuwarter ng taong 2020, sa kabila ng epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa kabuhayan ng daigdig, lumaki ng 16% ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Amerika kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon. Ipinahayag din niya na patuloy na maninindigan ang Tsina sa prinsipyo ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win situation, buong tatag na pangangalagaan ang multilateralismo, susuportahan ang tunay na bersyon ng kasaysayan, at itatatag ang mabuting kapaligirang pandaigdig.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagbubukas sa labas, ipagkakaloob ng Tsina ang mas malaking pamilihan at mas maraming pagkakataon para sa buong daigdig. Ito ay hindi lamang makakabuti sa sariling pag-unlad ng Tsina, kundi makakabuti rin sa pagbubuo ng mas makatuwirang sistemang pandaigdig sa pagsasaayos ng kabuhayan, at sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, saad ni Han.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |