|
||||||||
|
||
Apatnapung (40) exhibitor mula sa Pilipinas ang kasalukuyang nag-e-eksibit sa Food Philippines Pavilion sa ilalim ng temang "Healthy and Natural."
Ito ang ikatlo nang paglahok ng Pilipinas sa CIIE.
Pagkaraan ng China International Fair for Trade-In Services (CIFTIS) na naganap sa Beijing nitong nagdaang Setyembre, ang pagdaos ng Ika-3 CIIE ayon sa nakatakdang iskedyul ay naglalatag ng isa pang plataporma upang mapasulong ang pagpapanumbalik ng kalakalan at kabuhayang pandaigdig.
Bunga ng maayos na pangkalahatang pagkontrol sa pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), idinudulot ng pamilihang Tsino ang magagandang pagkakataong komersyal para sa mga bansa at bahay-kalakal na dayuhan, sa gitna ng pandemiya.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong nagdaang Setyembre, umakyat ng 2.2% ang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas kumpara sa gayunding panahon ng 2019.
Mataas ang bilang na ito kumpara sa -12.8% na datos noong Agosto.
Sa kabuuang 6.22 bilyong dolyares na pagluluwas ng Pilipinas nitong nagdaang Setyembre, 20% nito na nagkakahalaga ng 1.2 bilyong dolyares ang pumunta sa Tsina, kaya, ang Tsina ang nagsisilbing pinakamalaking bansang pinagluluwasan ng Pilipinas.
Nitong unang tatlong kuwarter ng 2020, lumaki ng 20.8% ang halaga ng benta ng kilalang personal care company na L'Oréal sa pamilihang Tsino kumpara sa ganyunding panahon ng taong 2019.
Samantala, noong ikalawang kuwarter ng taong ito, napanumbalik naman ang paglaki ng benta ng Volkswagen sa merkadong Tsino, at nakasaad sa ulat pinansyal ng German automaker, na ang Tsina ay nagsisilbing pangunahing lakas-panulak para sa muling pagsigla ng pamilihan ng sasakyang-de-motor.
Ang mga ito ay masasabing bunga ng walang humpay na pagsisikap ng Tsina para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Sa kabila ng mga negatibong epektong dulot ng pandemiya, upang mapabuti pa ang kapaligirang komersyal ng bansa, dalawang beses inilabas ng Tsina ang mga bagong preperensyal na patakaran para hikayatin ang mga puhunang dayuhan.
Higit pa rito, sa kalalabas na Ika-14 Five-Year Plan (2021-2025) at Long-Range Objectives Through the Year 2035, ipinangako ng Tsina na ipagpapatuloy ang pagbubukas sa mas malawak na saklaw, mas maraming larangan, at malalim na lebel.
Layon nitong magdulot ng mas maraming pagkakataong komersyal para isakatuparan ang komong kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |