Binuksan ngayong gabi ang ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina. 40 exhibitors mula sa Pilipinas ang kabilang sa mga kalahok sa ekspo. Healthy and natural ang pokus ng Food Philippines Pavilion. Idaraos ito hanggang Nobyembre 10. Ito ang ikatlong paglahok sa CIIE ng Pilipinas.
Sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa gitna ng pandemiya ng COVID-19 ang pagdaos ng naturang maringal na pandaigdig na ekspong pangkalakalan ayon sa nakatakdang iskedyul ay nagpapakita ng mataimtim na hangarin ng bansa, para ibahagi ang pagkakataon at mapasulong ang pagpapanumbalik ng kabuhayan ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac