Balak ng Tsina na ilabas ang negative list para sa cross-border services trade, patuloy na palawakin ang pagbubukas sa labas sa digital economy, at palalimin ang reporma at inobasyon sa liberalisasyon at pagpapadali proseso ng kalakalan at pamumuhunan.
Ito ay kabilang sa mga bagong hakbangin ng ibayo pang pagbubukas sa labas ng Tsina na inilahad ni Pangulong Xi Jinping sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas ngayong gabi ng ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina.
Dagdag pa ni Xi, ang mga kompanyang Tsino at kompanyang dayuhang nagparehistro sa Tsina ay parehong maaaring magtamasa ng mga preperensyal na patakaran at regulasyon bilang tugon sa epektong dulot ng pandemiya ng COVID-19.
Patuloy rin ang Tsina sa pagpapabuti ng sistemang pambatas para mapangalagaan ang karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR). Kasabay nito, handa ang Tsina na makipagsanggunian at lumagda ng kasunduan hinggil sa malayang kalakalan sa mas maraming bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac