Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FoodPhilippines Pavilion sa Ika-3 CIIE, bukas na

(GMT+08:00) 2020-11-05 16:56:37       CRI

Bukas na at handa nang makipagsabayan ang FoodPhilippines Pavilion sa ibang mga kalahok sa Ika-3 China International Import Expo (CIIE). Ginanap kaninang umaga ang Opening Ceremony ng Philippine pavilion sa Shanghai National Exhibition and Convention Center.

Sa kanyang welcome message sa seremonya, sinabi ni Embahador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina, na ang Pilipinas ay laging kasali sa CIIE mula pa noong nagsimula ito taong 2018. Inaasahan ng Pilipinas ang isa na namang aktibong paglahok sa Ika-3 CIIE.

Ani Amba. Sta. Romana, ang Tsina sa kasalukuyan, ay ang pinakamalaking food importer sa mundo, kaya dapat ilahok ng Pilipinas ang mas maraming mga kumpanya upang hanapin ang mga pagkakataon sa pamilihang Tsino sa pamamagitan ng CIIE. Ngayong taon mas malaki ang delegasyong Pilipino na mag-aalok ng mga bagong produkto na hangad ay magkamit ang mas malaking export sales. Saad pa niya, maganda ang ipinakikitang kalagayan ng trade relations ng Pilipinas at Tsina. Dahil dito, gagamitin ng Pilipinas ang lahat ng oportunidad upang mapadali at maisulong ang kalakalan sa pamamagitan ng mga ekspong katulad ng CIIE.

Samantala ipinahayag naman ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kasiyahan sa muling pagsali ng Pilipinas sa CIIE. Sa pamamagitan ng video message, sinabi ni Kalihim Lopez, na itinaguyod ng Tsina ang CIIE sa kagustuhang pasiglahin ang pandaigdigang kompiyansang pang-ekonomiko. Tiwala ang DTI aniya pa ang CIIE ay magsisilbi bilang "turning point" tungo sa pagbangon ng ekonomiya ng mundo sa gitna ng mga hamong dulot ng COVID-19 pandemic.

Saad pa niya, ginulo ng pandemiya ang nakagawiang paraan ng pagne-negosyo. At kailangan ng lahat na mag-adapt o matutong gumalaw sa ilalim ng "new normal". Naniniwala siyang may "better normal" sa pagpapasulong ng economic growth. Ang pamahalaang Pilipino, dagdag niya ay nakikiisa sa buong mundo sa pagpupunyagi tungo sa mas mabuti at magandang kinabukasan pagkaraan ng pandemiya.

Dumalo din sa seremonya ang mga opisyal at kinatawan mula sa Tsina at Pilipinas.

Idinaraos sa Shanghai ang Ika-3 CIIE mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2020.

40 exhibitors mula sa Pilipinas ang kalahok sa ekspo. Healthy and natural ang pokus ng FoodPhilippines Pavilion. Ito ang ikatlong paglahok sa CIIE ng Pilipinas.

Ulat: Mac/Lito
Larawan/video: Lito
Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>