|
||||||||
|
||
Hilig naming magbabarkada na pasyalin ang iba't ibang lugar sa Tsina. Sabi nga nila work hard, play hard. Kaya't bawat may bakasyon sa eskwelahan, plumaplano kami ng mga backpacking tours. Kahit na student budget lang kami, napaka-local ng feel kung magbackpacking. Mas nakikita namin iyong original na buhay ng mga tao sa Tsina. Di rin naman kami maseselan at koboy kami kaya game kaming subukan lahat.
Noong Christmas holiday, plinano naming pumunta sa Nanjing. Maliban sa pagbibisita ng mga usual tourist spots, nag mala-fear factor kami sa pagsubok ng iba't ibang klaseng pagkain sa mga lakbay naming.
Doon sa mga nakapunta na sa Nanjing dyan, natry nyo na ba ung yaxuefensitang. Basically, duck blood noodle soup! Sa mga hindi nakakaalam, native specialty ito ng Nanjing! Mukhang nakakatakot sa unang tingin pero masarap naman talaga! Kaya't wag niyo kalimutang subukan ito pagbumisita kayo ng Nanjing!
Bonus pa na sa tabi lamang ng kainan ay isang sikat na tourist attraction dito sa Nanjing! Ito ung Qinhuai River. Sa umaga man o sa gabi ka pumunta, napakaganda ng view dito. Meron pa silang mga traditional Chinese na bangkang pwedeng sakyan!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |