|
||||||||
|
||
Kahit ang Spring Festival ay tradisyonal na kapistahan ng Tsina, nakapagtamasa ngayon ang mas maraming bansa sa daigdig ng kaligayahan ng kapistahang ito. Noong unang araw ng buwang ito, nagtanghal sa Manila ng Pilipinas ang grupong pansining Tsinong tinawag na "apat na sulok ng daigdig, salubungin ang Spring Festival" bilang pagdiriwang sa Spring Festival kasama ang mga ethnic at overseas Chinese at tinanggap ang mainit na reaksyon.
Magkasanib na nag-organisa ng pagtatanghal ang Overseas Chinese Affairs Office of the State Council o OCAOSC at Samahan ng Pagpapalitan ng Tsina at Ibayong Dagat. Ang Manila ay unang stop ng grupong ito sa Timog Silangang Asya. Noong Pebrero Uno, punong-puno ng mga manonood sa International Conference Center ng Manila. Sinabi ni Wang Jun, consul ng embahadang Tsino sa Pilipinas, na:
"Bago pasimulan ang palabas, punung-puno na ang Conference Center ng mga ethnic at overseas Chinese. Maraming taong ang nakatayo sa aisle para makapagtamasa ng palabas."
Napakahilig ng mga ethnic at overseas Chinese sa tradisyonal na sining ng Tsina at masiglang masigla silang lahat. Sa kanila'y nakikita mo ang mga matanda na sakay ng wheelchair o akay ng kanilang apo. Natagpuan rin ang mga kilalang personahe na gaya nina John K. Tan, tagapangulo ng council ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry o FFCCCII, Yang Huahong, kagawad ng Federation of all Filipino-Chinese Community, Carlos Chan, Chairman of the board ng Liwayway Marketing Corporation at Stephen Techico, Pangalawang puno ng Century Golden Resources Group.
Isinalaysay ni Xu Lingui, on-the-spot na mamamahayag ng Xinhua News Agency sa Manila, na binuo ang grupong pansining "apat na sulok ng daigdig, salubungin ang Spring Festival" ng 30 sirkero na galing sa lunsod ng Zunyi ng lalawigang Guizhou at 2 kilalang salamangkero. Breathtaking at amazing ang kanilang palabas. Sinabi niyang:
"Napakahusay ng mga artista. Nagtanghal sila ng playing diabolo, suppleness skills, flying in the air, the balancing glasses filling with water, balancing on the chair at iba pa. "
Ang pagtatanghal ay walang-tigil na matunog na pinapalakpakan ng mga manonood at binigyan ng mataas na papuri. Sinabi ni Ren Qiliang, puno ng grupong pansining na ito at Pangalawang direktor ng OCAOSC, na:
"Ang mga pinakakinagigiliwang palabas ay Balancing on The Chair, nakapatong nang mataas ang mahigit sampung silya, breathtaking ito, at suppleness skills at the balancing glasses filling with water, fabulous! "
Ayon kay Mr. Ren, umaasa ang kanyang grupo na, sa pamamagitan ng kanilang mahusay na palabas na puno ng tradisyonal na kulturang Tsino, magpapadala ng kaligayahan ng Spring Festival at kanilang pangungumusta sa mga ethnic at overseas Chinese. Sinabi niyang:
"Ang Spring Festival ay tradisyonal na kapistahan ng nasyong Tsino. Nais naming sumama sa mga ethnic at overseas Chinese para sa pagdiriwang ang kapistahang ito. Ngayong gabi, sa embahada, magsasalu-salo kami at mga working staff ng embahada at mga ethnic at overseas Chinese ng iba't ibang sirkulo ng Pilipinas. "
Salamat sa grupong ito, naging mas masigla ang pagdiriwang ng Spring Festival sa Pilipinas. Sinabi ni Deng Xijun, change de affaires ad interim ng embahadang Tsino sa Pilipinas, na dahil sa pagtangkilik ng mga ethnic at overseas Chinese ng Pilipinas nitong nakalipas na ilang taon, nagiging isang mas mahalagang kapistahan ng mga mamamayang Pilipino ang Spring Festival. Ngayong Spring Festival, ang pagdating ng naturang grupong pansining ay nagdagdag ng masiglang atmospera at kulay sa kapistahan.
Bakit pinili nila ang acrobatic at magic? Ganito ang sinabi ni Mr. Ren.
"Ang acrobatic at magic ay pormang pansining na nangangailangan ng mabilis na galaw ng katawan sa halip ng wika. Sa gayo'y mas madaling tinanggap ng mga manonood na hindi marunong sa wikang Tsino."
Ayon kay Mr. Ren, hindi lamang sa Timog Silangang Asya kundi sa iba pang lugar ng daigdig, nagugustuhan ng mga ethnic at overseas Chinese ang mga tradinasyonal na sining ng Tsina.
"Nag-organisa kami ng 4 na grupong pansining. Ang 3 pa ay pumunta sa Hilagang Amerika, Timog Amerika at Europa. Ang susunod na stop ng aming grupo ay Malaysia. Mula ika-8 dekada ng nakaraang siglo hanggang ngayon, ang mga sandaang pagtatanghal sa iba't ibang porma na ini-organisa ng OCAOSC ay mainit na tinatanggap ng mga ethnic at overseas Chinese sa apat na sulok na daigdig."
Ang pagtatanghal ay isang porma lamang sa mga aktibidad na kultura sa ibayong dagat na itinatangkilik ng OCAOSC. Isinalaysay ni Mr. Ren na:
"Bawat taon, sa panahon ng Spring Festival, nagtaguyod kami ng maraming porma ng aktibidad na kultura bilang pagdiriwang sa kapistahang ito. Bukod sa paghandog ng pagtatanghal na pansining, ini-organisa namin ang iba pang aktibidad na gaya ng folk-custom at folk arts."
Bagama't nakatira at namumuhay nang mahabang panahon sa ibayong dagat ang mga ethnic at overseas Chinese, nananatiling malalim ang kanilang damdamin sa kultura ng inangbayan.
"Nasa Tsina ang ugat ng mga ethnic at overseas Chinese. Minamahal nila ang kulturang Tsino at kinalulugdan ito nila. Bilang tugon, ihandog ng konseho ng estado ng Tsina ang mga aktibidad na pansining bawat taon para sa malawak na masa ng mga ethnic at overseas Chinese."
Hindi lamang nakatawag ang mga aktibidad ng grupong pansining ng Tsina ng malaking pansin ng ethnic at overseas Chinese, kundi umaakit sa mga residenteng lokal.
"Nitong nakalipas na ilang taon, malawakang tinatanggap ang kulturang Tsino. Gayon para sa mga ethnic at overseas Chinese, at gayon rin para sa nakararaming residenteng lokal. Aktibo sila sa paglahok sa mga ito."
Bakit gayong na lamang ang pagtanggap ng kulturang Tsino? Ang sagot ni Mr. Ren ay:
"Nag-uugnayan ang kultura at sining ng iba't ibang bansa. Ang pambansang sining ay bahagi ng sining na pandaigdig. Umasa kami, sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, mapapasulong ang kombinasyon ng kultura ng daigdig."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |