Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

NPC at CPPCC: Blessing sa mga Mamamayang Tsino

(GMT+08:00) 2009-03-30 16:33:10       CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2009.

Ngayong gabi, matutunghayan ninyo ang mga tinig ng mga tagapakinig na nagpapahayag ng kanilang mga impresyon sa Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga mamamayang Tsino, o NPC at CPPCC.

Ang long-distance voices na ito ay iyong sa mga matagal nang nakikinig at sa bagu-bago pa lamang na nakikinig sa Serbisyo Filipino ng CRI. Datapuwa't nabibilang sila sa magkaibang henerasyon ng mga tagapakinig, nagkakaisa naman sila ng palagay na ang NPC at CPPCC ay kahanga-hanga, karapat-dapat sa tiwala ng mga mamamayan, at blessing sa mga mamamayan.

Ang college student na si Kolin Sta. Maria ay tatlong buwan pa lamang na nakikinig sa Serbisyo Filipino at pagkaraang masumpungan ang mga balita at espesyal na artikulo hinggil sa NPC at CPPCC, sinabi niya:

"Ever since, maganda na ang partnership ng NPC at CPPCC kaya marami silang nagagawa para sa bansa in a short span of time. Sana maisalang-alang nila sa kanilang mga discussions iyong mga issues na may kinalaman sa kababaihan at mga bata at ipagpatuloy din sana nila ang pagkakaloob ng tulong sa poorest of the poor countries."

Ang maybahay na si Roselle de la Cruz ay limang buwan pa lamang na sumusubaybay sa aming Balita at Usap-usapan. Nang matanong hinggil sa kanyang impresyon sa NPC at CPPCC, walang kagatul-gatol na sinabi niya:

"Maganda sana kung mapag-usapan sa mga sessions ng NPC at CPPCC ang mga isyu na nakakaapekto sa loob at labas ng bansa na gaya ng issue ng world financial reform, environment, climate change at food safety and security. Naniniwala ako na malaki ang magagawa ng NPC at CPPCC para ma-address ang mga issues na ito."

Mahigit sampung taon na ring nakikinig sa amin ang clerk-stenographer na si Minda Gertos. Sinabi niya sa aming pag-uusap na masuwerte ang mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon nila ng NPC at CPPCC, at bilang karagdagan, sinabi niya:

"Sa personal view ko, ang CPPCC ay isang very effective body at dapat pamarisan ng mga katulad na organo ng ibang bansa. Maikli lang ang period ng kanilang meeting pero marami silang nagagawa at contribution sa development ng bansa. Ganun din naman itong NPC. Magkaiba ng functions ang dalawang ito pero sa palagay ko very effective."

Sa nakaraang episode ng Gabi ng Musika, narinig ninyo ang singing voice ni super DJ Happy sa kanyang CD recording. Ngayong gabi naman, narito ang kanyang speaking voice:

"Matagal ko na ring sinusubaybayan ang mga development hinggil sa National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference. Ang isang bagay na maganda sa mga ito ay hindi sila politicalized kundi politicized. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin? Mas mahalaga sa kanila ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa at pagtaas ng standard of living ng mga tao kaysa kanilang mga sarili at kinaaanibang partido. In other words, ang loyalty sa mga mamamayan at sa bayan ang nangunguna sa lahat. Tapos umiiral pa sa kanila ang spirit of cooperation kaya walang nasasayang na oras."

Iyan, narinig ninyo ang mga tinig nina Kolin, Roselle, Minda at Happy. Super salamat sa inyo.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang mga sinasabi ng ating textmates.

Sabi ng 0086 138 1140 9630: "Sinusubaybayan ko ang meetings ng NPC at CPPCC. Sana pagtuunan nila ng pansin ang mabibigat na issue sa kasalukuyan."

Sabi naman ng 921 378 1478: "Taos-pusong pagbati sa NPC at CPPCC! Sila ay hindi maipagkakailang mga tunay na serbisyo publiko. Hindi matatawaran ang kanilang paglilingkod!"

Sabi naman ng 0090 533 232 3137: "Sa NPC bayan muna bago ang lahat, kaya sa bayan, ito ay number one."

At sabi naman ng 917 413 8312: "Ang NPC ay karapat-dapat sa sariling ngalan nito. Ito ay hinahangaan, sinusuportahan at iginagalang ng mga mamamayan."

Tunghayan naman natin ang mga laman ng ating inbox.

Sabi ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "Matagal ko nang pinakikinggan ang inyong mga report hinggil sa National People's Congress. Maski noong araw pa, talagang interested na ang mga tao na malaman kung paano sila gumagawa ng mga batas. Curious silang malaman kung paano nakaka-accomplish ang Kongreso sa loob lamang ng maikling period. Lihim silang humahanga sa mga accomplishments nito."

Salamat sa iyo, Kate.

Sabi naman ni Jennifer Cunanan ng Shunyi, Beijing: "Maging ang iba't ibang sekta ng relihiyon ay may mga kinatawan sa CPPCC. Ito ay nakakalugod malaman. Ang mga kinatawan ng mga mananampalataya ay nagsasama-sama ng lakas para mapaglingkuran ang sambayanan. Nagkakaisa-isa sila sa pagdama sa tunay na pulso ng bayan. Ipinaaabot nila sa mga kinauukulan ang mga problema ng mga pangkaraniwang miyembro ng lipunan."

Salamat, Jennifer.

Sabi naman ni Dr. George Medina ng Nakar, San Andres: "Ang China ng kasalukuyang panahon ay reflection na rin ng napakagandang cooperative work ng NPC at CPPCC. Ang bawat legislation ng NPC na may kasamang pag-alalay ng CPPCC ay lagi nang relevant sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao at relevant sa pinakahuling kalagayan ng bansa at daigdig."

Salamat, Dr. George.

Sabi naman ni Myrna Calayco ng Kowloon, Hong Kong: "Sa nakikita ko, ang isang maganda sa NPC kapag ito ay in session ay hindi ito namumulitika. Ang loyalty nito sa partido ay natatapos kung saan ang loyalty sa bayan ay nagsisimula. Iyan ay karapat-dapat na tularan."

Thank you, Myrna.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>