|
||||||||
|
||
May ilang palayaw sa Tsina si Tracy McGrady, basketball player ng Houston Rockets ng NBA. Ang isa sa mga ito na pinakamadalas na ginagamit ay "Cui Xi". Bakit tinatawag si McGrady na "Cui Xi" ng mga Chinese basketball fans?
Unang una, ang pagbigkas ng "Cui Xi" sa wikang Tsino na "Tsui Ci" ay malapit sa pagbigkas ng "Tracy", unang pangalan ni McGrady. Ikalawa, may isang kabigkas na salita sa wikang Tsino ang "Tsui Ci" na nangangahulugan ng "marupok na tuhod". Tumutukoy itong madaling nasugatan si McGrady sa mga bahagi ng katawan na hindi lamang tuhod, kundi rin likod. Ikatlo, ang "Tsui Ci" ay parang isang pangalan ng babae at ito ay bilang pagpuna kay McGrady sa kanyang mahinang loob.
Sa katotohanan, may likas na kakayahan si McGrady sa basketball. Siya ay 2 beses na NBA scoring champion at lagi nating natatandaan ang alamat na umiskor siya ng 13 punto sa huling 35 segundo sa laro ng Houston Rocket na tumalo sa San Antonio Spurs sa iskor na 81-80. Pero, walang malakas na loob si McGrady sa basketball. Sa pananatili sa Orlando Magics, umano'y umiskor siya para sa sarili at pinawalang-bahala niya ang team work bagay na nagdulot ng maraming pagkatalo ng Magics.
Nitong nakalipas na ilang season, nililigalig naman si McGrady ng mga sugat, lalung-lalo na sa kasalukuyang season, parang pelikula ang pangyayari na may kinalaman sa kanyang sugat. May sugat o wala, maipagpapatuloy o hindi kaya at sa bandang huli, nagkaroon siya ng operasyon at nagpaalam sa season na ito. Hindi nasisiyahan ang mga fans sa pagiging, kaya binigyan nila ng naturang palayaw si McGrady.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |