|
||||||||
|
||
Kagawad ng CPPCC galing sa sirkulo ng Budismong Tibetano
Sa Tsina, may harmonyang umuunlad ang ilang malaking relihiyon, tumulong sa isa't isa, bihira ito sa buong daigdig. Halimbawa, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, kataas-taasang organong tagapayo ng Tsina, nakita kong nagtitipun-tipon at nagtatalakayan hinggil sa mga isyung panreliyon na tulad ng pangangalaga sa mga relikyang panrelihyon at pagtatayo ng mga paaralang panrelihyon ang mga kagawad na galing sa iba't ibang relihiyon ng Tsina na kinabibilangan ng Budismo, lslamiko , Katolisismo, Protestantismo, Taoism at iba pa.
Nagtitipun-tipon ang mga kagawad na galing sa iba't ibang relihiyon ng Tsina
Nakatagpo ko ang isang bishop galing sa lalawigang Shandong na si Fang Xingyao. Sinabi niya sa akin na kasunod ng pagiging-madalas ng pagpapalitang panloob at panlabas, unti-unting sumisigla ang Katolisismo ng Tsina. Sa kasalukuyan, may mga 6 milyong Katoliko sa buong Tsina. Sinabi pa niya na naglalaan ang Pamahalaang Tsino ng espesyal na pondo para sa pagkukumpuni sa mga simbahan at sa paglalathala ng mga aklatang Katoliko. Bilang panapos, nagpahayag si Bishop Fang ng magandang hangarin para sa maluwalhating hinaharap ng Katolisismo ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |