Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest]Medalya, hindi tanging target ng palakasan

(GMT+08:00) 2010-12-01 13:54:36       CRI
Tapos na ang ika-16 na Asiad. Malaki ang tagumpay ng mga bansang ASEAN na nakuha ang 194 medalya na kinabibilangan ng 34 na medalyang ginto. Ang mga manlalarong Pilipino ay nagkakampeon sa boxing, bowling at Men's 9-Ball Pool Singles at kumuha ng 4 na medalyang pilak at 9 na medalyang tanso. Congratulations!!

Walang duda, tumupad ang delegasyong pampalakasan ng Tsina ng inaasahang target sa Aisad na ito. Siyempre, ikinararangal ko ang tagumpay na ito ng aking bansa, pero, hindi ako maaaring ganap na mag-enjoy ng paligsahan ng Asiad na ito.

Bakit? Unang una, hindi ako pamilyar sa karamihang event sa Asiad na ito, lalo na sa mga event na napanalunan ng manlalarong Tsino o hindi popular sa Tsina na gaya ng Archery, Baseball, Canoe at iba pa. Kulang na kulang kami sa lugar at oras para sa pag-eehersisyo at paglalaro ng nabanggit na laro, kaya itinakwil ko ang mga libangang pampalakasan at unti-unting naging mahina ang kahiligan ko sa panonood ng mga programang pampalakasan sa TV.

Sa katotohanan, sa Asiad na ito, sino ang nakatawag ng buong pansin ng mga media ng Tsina? Hindi mga manlalaro at hindi iyong magkakompeon, kundi ay si Yang Ming, isang mamamahayag mula sa Xinhua News Agency, dahil sa kanyang artikulo para pumuna sa kasalukuyang sistemang pampalakasan ng bansa. Nakasaad ang nabanggit na artikulo na kahit maningning ang tagumpay ng mga manlalarong Tsino sa Asiad, hindi nito natatakpan ang katotohanang humihina ang pangangatawan ng mga mamamayang Tsino at ipinalalagay ng artikulong ito na hindi dapat magbigay-pansin lamang ang mga kinatawan ng pamahalaan sa pagkuha ng medalya sa paligsahan, dapat pahalagahan nila ang pagpapasulong ng pag-eehersisyo ng buong mamamayang Tsino para mapangalagaan ang kalusugan at mapalakas ang pangangatawan.

Natataranta nang mahabang panahon ang buong Tsina sa problemang ito: sa isang dako, dumarami nang dumaraming manlalarong Tsino ay nakakuha ng medalya sa mga palarong panrehiyon at pandaigdig; sa kabilang dako naman, patuloy na bumababa ang bilang ng mga mamamayang Tsino sa pag-eehersisyo. Ayon sa opisiyal na estadistika, sa kabuang populasyong Tsino, 200 milyon ang sobrang bigat. Sa mga lunsod, bawat 5 bata ay may isang lumampas sa kanyang normal na bigat, halos 28% ng kabuuang populasyong Tsino ay konsistenteng gumigiit ng pag-eehersisyo. Kaya masasabing ang Tsina ay isang malaking bansang pampalakasan, pero hindi malakas.

Habang bumasa ako ng artikulong ito, sinariwa ko ang aking karanasan sa primary school noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo. Noong panahong iyon, nakikita ninyo lamang ang gym class sa kurikulum, binago ito sa English class, math class o iba pa class na makakatulong sa pagpapataas ng record ng mga mag-aaral sa eksam para pumasok sa middle school, dahil ang gym ay hindi inilakip sa eksam na ito. Pareho rin ang kalagayang ito sa middle school at high school. Sa kasalukuyan, kahit tumataas na ang katayuan ng gym class sa naturang mga eksam, hindi mahalaga rin para sa mga kolehyo at pamantasan. Nang mag-aral ako sa unibersidad, 2 oras lamang bawat linggo ang aking gym class. Kasi ito ay nakakatulong nang maliit sa paghahanap-buhay ng mga graduwado.

Bilang isang manlalaro, ang gagawin niyang lahat ay makakahuha ng pinakamabuting record sa abot ng kanyang makakaya. Pero, ang pagkuha ng medalya ay hindi tanging tungkulin ng gobyerno at dapat rumesponsible ito sa pagpapalakas ng pangangatawan ng buong mamamayan.

Kahit nakuha naman ang mga medalya ng mga manlalarong Tsino, ang isang di-malalampasang isyu ay lumiliit nang lumiliit ang bilang ng mga taong nagsasagawa ng iyong mga event, kaya nagiging mas maliit ang pinagmumulan ng mga manlalaro. Pero para sa mga bansang ASEAN, mabuti ang gawain nila sa pagpapalaganap ng palakasan sa buong bansa na gaya ng martial art at sepaktakraw. Halimbawa sa Pilipinas, ang boxing, bowling at 9 ball's game ay popular na tinatanggap sa buong bansa at nakikitang saan man dako ang basketball at wood pusher. Kaya ito'y dahilan ng pagkuha ng mga manlalarong Pilipino ng mga medalya sa Asiad. At sa palagay ko, ito'y dapat tuluran ng Tsina ang mga bansang ASEAN.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>