Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pasko sa Tsina

(GMT+08:00) 2010-12-21 14:25:35       CRI

Maligayang Pasko at Manigong bagong taon!!

Sa Pilipinas, ang Christmas Season ay tumatagal mula Setyempre hanggang Enero ng susunod na taon. Imposible ito sa Tsina, kahit gayon, nagiging popular na popular naman ang Pasko. Hindi isang holiday, ngunit naging isang bahagi na ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, lalo na para sa yaong mga isinilang noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo.

Nagsnow kamakailan nang malakas sa mga lalawigan sa timog ng Tsina, parang handa ito para sa pagsalubong ng Pasko. Ang Santa Claus, Christmas Tree ay nagsisilbing simbolo ng Pasko, pero para sa mga bata sa buong daigdig, ang Christmas gift ay talagang pinakamahalagang bagay.

Noong una, ang Christmas Day ay isang pestibal na panrelihiyon. Bago ang taong 1978, nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, ang pasko ay ipinadiwang lamang ng mga katoliko at mga mamamayang Tsino na nananampalataya sa Katolismo.

Ngayon sa Tsina, dahil ang Pasko ay sumasagisag ng isang uri ng bago at nakakaakit na pestibal na may malaking pagkakaiba sa mga tradisyonal na pestibal ng Tsina, naging popular ito sa Tsina, pangunahin na, sa mga batang isinilang noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo. Itong mga batang ito ay mas independiyente at madaling naktanggap ng mga bagong bagay kumpara sa kanilang mga magulang at mga tao na isinilang bago ang reporma at pagbubukas sa labas. Para sa kanila, ang Pasko ay nagpapakita ng kanilang bagong sence of value at paraan ng pamumuhay na humahangad ng pagsasarili at kalayaan. Sa Pasko, nakapageenjoy sila ng pestibal ayon sa sarili nilang hangarin nang kawalan ng panghimasok ng kanilang mga magulang. Dahil hindi pambansang bakasyon ang Pasko, normal ang pamamasok ng kanilang mga magulang.

Kaya sa Tsina, ang Pasko ay nagkaroon ng ilang elemento ng katangiang Tsino. Sa Christmas seasons, nagtitipun-tipon ang naturang mga bata at kanilang mga kaibigan at kaklase para magksritmas sa halip ng kasama ng kanilang mga magulang. Nagtitipun-tipon sila para pagkukuwentuhan, salu-salo, sa pagka-karaoke at iba pa Ang lahat ng mga aktibidad nila ay para mapalalim ang pagkakaibigan at magpahinga sa halip ng mapitagang bati kay Maykapal.

Kahit hindi isang pestibal ang Pasko dito sa Tsina, para sa yaong mga mananampalataya ng Katolismo, makapagpapasasa sila sa lahat ng ritwal ng Katolismo sa Tsina sa panahon ng Kristmas. Halimbawa, sa simbahan, embassy, lugar na pinaninirahan lamang ng mga dayuhan, maksi ilang lugar na laging pinapuntahan ng mga Tsino. Noong ika-6 ng Disyembre, idinaos ang Palabas ng Ramon Obusan sa Beijing para sa Pasko, ang palabas ito at magagandang Parol ay nakakaakit, hindi lamang ng mga Pinoy sa Beijing, kundi ng mga Tsino at dayuhan na galing sa iba pang bansa.

Bakit? Tulad ng alam ng lahat, may mayaman at makulay na trandisyonal na Pestibal sa Tsina at nitong ilang taong nakalipas, pinahahalagahan ng pamahalaan at buong lipunan ng Tsina ang pangangalaga sa mga ito. Halimbawa, pinagtibay ng NPC ang batas para maging pambansang bakasyon ang 3 tradisyonal na pestibal ng Tsina na gaya ng Mid-Autumn Day, Double Ninth Festival at Dragon Boat Festival. Mabait at magalang ang mga mamamayang Tsino sa kultura at kaugalian ng mga dayuhan, Katolismo, man o Muslim, Budismo, basta mapayapa, mapagkaibigan at legal ang mga ito.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon muli at sana'y masasaya ang lahat ng mga Pinoy sa pestibal na ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>