Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] 2010, Pilipinas sa tingin ng mga mamamayang Tsino

(GMT+08:00) 2010-12-28 21:01:44       CRI

Agarang darating ang taong 2011. Sa taong 2010, ano ang impresyon ng mga mamamayang Tsino hinggil sa Pilipinas?

Unang una, dumarami nang dumaraming prutas na galing sa Pilipinas na gaya ng saging, mangga, durian at niyog ang lumitaw sa mga super market ng malaking lunsod ng Tsina. Mabiling mabili ang mga ito, sa isang dako, talagang masarap at sariwa ang mga prutas na ito; sa kabilang dako naman, sapul nang opisiyal na maitatag ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, zero tariff ang mga iniluluwas na prutas ng Pilipinas sa Tsina, sa gayo'y bumaba ang presyo ng naturang mga prutas.

Gayun pa man, malaki pa rin ang espasyo ng pagluluwas ng Pilipinas ng mga prutas nito sa Tsina. Dahil, sa isang dako, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagpapahalaga ng parami nang paraming mamamayang Tsino sa kalusugan, tiyak na ibayo pang lalaki ang pangangailangan ng mga mamamayang Tsino sa mga prutas, sa kabilang dako naman, kasunod ng ibayo pang pagbubukas ng Tsina sa labas, ang mga katamtamang lunsod ng Tsina ay nagiging bagong sibol na pamilihan para sa mga prutas na tumubo sa ibang bansa.

Kung masasabing ang mga prutas ng Pilipinas ay nagpapayaman ng nilalaman na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa aspekto ng pagkain, ang mga TV programa naman ng Pilipinas ay nagpapayaman ng pamumuhay nila sa malayang oras. Sa taong 2010, ang dalawang TV drama ng Pilipinas-"Ikaw ang aking lahat" at "Pangako" ay popular na tinanggap ng mga mamamayang Tsino. Isinahimpapawid ang yaong dalawang drama nang ilang ulit sa CCTV 8, isang TV drama channel na may pinakamalakas na impluwensiya sa buong bansa.

Kumpara sa mga TV drama na domestiko at galing sa Hapon, Timog Korea at Estados Unidos na isinasahimpapawid sa Tsina. Naiiba ang mga TV drama ng Pilipinas sa mga manonood na Tsino. Ang tropical landscape sa mga dramang ito, ang mayamang damdaming panloob ng karaniwang tao at unikong estilo ng palabas ng mga actors ay mga pangunahing elementong nakakaakit ng mga manonood na Tsino.

Sa kasalukuyan, bukod sa pag-aaral ng wikang Tsino at paglalakbay, ang parami nang paraming Pinoy ay pumarito sa Tsina para sa paghahanap-buhay. Marami sa kanila ang naglilingkod bilang kasambahay o guro sa pagtuturo ng English. Ang dalawang karerang ito ay nagiging popular ngayon sa Tsina, lalo na sa Beijing, Shanghai, Chongqing at iba pang malaking lunsod. Mahusay ang mga kasambahay na Pinoy sa household management at sa wikang Ingles. Bukod dito, mabait at magalang ang mga Pinoy, ang katangiang ito ay nakakatulong sa kanila na mas madaling makisalamuha sa pamumuhay na lokal sa Tsina.

Kasunod ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, parami nang paraming mamamayang Tsino ang may kayang maglakbay sa ibayong dagat. Pilipinas ay nagiging isa sa kanilang mga destinasyon dahil sa magagandang tanawin, masasarap na pagkain at mababati na Pinoy. Kahit naganap sa Manila ang hostages taking incident noong nagdaang Agosto, naniniwala ang nakararaming mga mamamayang Tsino na ito'y hindi espesyal na nakatuon sa mga turistang Tsino at pagkaraan ng mga pagpapalakas ng pamahalaang Pilipino ng puwersa para maigarantiya ang kaligtasan ng mga dayuhang turista, masasabing mas maligtas ang paglalabay sa Pilipinas ngayon. Kaya may pag-asang darami pa ang mga turistang Tsino na bumisita sa Pilipinas sa malapit na hinaharap.

Sa huling dako ng taong ito, idinaos ng Pilipinas ang mga aktibidad sa Tsina para sa pagdiriwang ng Pasko na gaya ng palabas ng Ramon Obusan, lantern lighting ceremony sa mga simbahan ng Beijing. Ang natuang mga aktibidad ay nakakaakit, hindi lamang ng mga Pinoy sa Tsina, kundi mga mamamayang lokal. Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon para sa mga mamamayang Tsino na nanonood ng parol sa kanilang sariling bansa.

Kahit ang Tsina at Pilipinas ay pinaghihiwa-hiwalay ng kapirasong dagat, para sa karamihan ng mga mamamayang Tsino, wala silang gaanong karaming kaalaman ukol sa Pilipinas. Sa proseso ng integrasyong pangkabuhayan ng buong daigdig at pagpapasulong ng CAFTA, magiging mas madalas ang pagpapalitan at pagpapalagayan ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan sa taong 2011 at masasabing tiyak na magiging mas pamilyar ang dalawang bansa at kanilang mga mamamayan sa isa't isa. Tulad ng sinabi ni Chairman Mao: magkakapamilya tayo!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>