|
||||||||
|
||
Manigong Bagong Taon sa iyong lahat!!
Ngayon sa Pilipinas, mainit pa rin ang panahon, pero sa Tsina, malamig na malamig at nag-isnow na sa mga lalawigan nito. Kaya para sa mga Pinoy, siguro ito'y magandang pagkakataon na maglakbay sa Tsina para manood ng mga magagadang tanawin ng yelo pagtapos ng pagsnow, mag-iski at ma-enjoy ang hot spring.
Kung pupunta sa Tsina sa taglamig, ang mga nililok na yelo ay unang bagay na karapat-dapat na makita. Dahil marikit at makulay ang mga ito at kumikinang sa ilalim ng araw. Ang mga lugar sa Tsina na kilala sa mga nililok na yelo ay lalawigang Liaoning, Jilin at Heilongjiang. Ang mga lalawigang ito ay nasa dakong hilagang silangan ng Tsina, mahaba ang malamig na panahon doon at makapal ang niyebe sa taglamig. Kaya ito ay angkop sa paglililok ng yelo sa taglamig.
Hindi lamang sa panonood ng mga nilihok na yelo, ang pag-iisking ay popular din sa Tsina. Kawiliwili ang larong ito at nakakabuti sa kalusugan ng mga tao. Halimbawa, noong ika-19 ng Disyembre ng taong 2010, idinaos sa Beijing Olympic Stadium o Bird's Nest ang isang aktibidad para maka-enjoy ang mga tao ng kasayahan ng pag-iisking at iba pang winter sports. Bukod dito, nakapag-iisking din ang mga tao sa mga skiing park na nasa mga bundok sa paligid ng Beijing. Kaya maaaring makita ang mga magagandang tanawin ng mga tao habang nag-iisking.
Pagkatapos ng pag-iisking, kung mapapagod, puwede magpahinga sa hot spring. Ang hot spring ay nakakabuti sa kalusugan ng mga tao na gaya ng pagpapaganda ng kalat, pagpapagaling ng arthritis, pagpapawi ng pagod at iba pa. Habang ibinabadbad sa hot spring, maaari pa kayong uminon at makipaghuntahan sa mga kaibigan o kamag-anak. Kung gayon, tiyak na magiging masayang masaya.
Ang mga kilalang hot spring sa Tsina ay nasa Beijing, Tibet, lalawigang Guangdong, Sichuan at Yunan. Sa naturang mga lugar, kilala naman ang mga katutubong pagkain. Ang mga masasarap na pagkain ay mahalagang bagay na dapat ma-enjoy sa paglalakbay sa Tsina sa taglamig. Halimbawa, Beijing hot pot at Sichuan hotpot. Pero ang pinakakilalang putahe sa taglamig ay Stewed Chick with Mushroom ng hot spot.
Sichuan Hot Pot
Beijing Hot Pot
Stewed Chick with Mushroom
Ang dish na ito ay isang kilalang pagkain sa dakong hilagang silangan ng Tsina at nakakabuti ito sa kalusugan ng mga tao, lalo na sa tamlamig. Alam ng lahat, madaling nahawahan ang mga tao ng respiratory disease sa taglamig. Pero ang mga sangkap ng pagkaing ito na gaya ng karne na manok, mushroom at chicken soup ay nakakabuti sa pagpigil ng sipon at pagpapalakas ng kakayahan ng tao sa pag-iwas ng sakit.
Pero talagang malamig sa dakong hilaga ng Tsina ngayon, kaya kung pumarito para maglakbay. Dapat maging particular na maingat sa kalusugan, kaya kailangang magtalagay ng mga makapal na damit, medisina at iba pa at hindi masyadong matagal na nananatili sa labas sa malalim na panahon.
Welkam sa paglalakbay sa Tsina sa taglamig!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |