|
||||||||
|
||
Ang taong 2011 ay ang taon ng pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng ika-12 panlimahang taong plano (mula 2011 hanggang 2015). Iniharap ng pamahalaang Tsino na dapat makapagtamasa ang bawat tao ng bunga ng usapin ng reporma at pagbubukas sa labas.
May isang tradisyonal na kasabihan ang Tsina na nagsasabing "kung hindi paplanuhing mabuti ang hinaharap, tiyak na makakatagpo ka ng kahirapan sa malapit na hinaharap. Para sa mga mamamayang Tsino, ang hanap-buhay, proteksyong pangkalusugan at bahay ay mga pangunahing bagay na may mahigpit na kaugnayan sa kanilang pamumuhay. Kaya ano ang pagbabago sa naturang mga larangan sa taong 2011?
1. Hanap-buhay
Tinaya kamakailan ng isang opisiyal ng Ministri ng Human resources and Social Security na sa taong 2011, ang bilang ng mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho ay lalampas sa 25 milyon, pero ang mga pagkakataon ay aabot lamang sa halos 12 milyon.
Kaya, nangangahulugan itong malaki ang presyur sa mga mamamayang Tsino para humanap ng trabaho. Sa kalagayang ito, bukod sa pagiging civil servant, pamamasok sa mga bahay-kalakal at pagsasagawa ng iba pangkarera, ang pagpapasimula ng sariling negosyo ay isa sa mga mabuting mapagpipiliin. Halimbawa, ang pagpapasasagawa ng negosyo sa internet ay nagiging pagpili ng nakararaming tao. Ayon sa isang estadistika ng VISA, noong 2010, ang konsumo ng bawat netizen sa Tsina ay umabot sa 2557 dollars. Ayon sa estadistika ng China Internet Network Information Center o CNNIC, hanggang noong katapusan ng Hulyo ng 2010, ang bilang ng mga neitzen ng Tsina ay umabot na sa 420 milyon.
Bukod sa pagbubukas ng online store, espesyal na isinapubliko ng Tsina ang mga preperensiyal na patakaran sa buwis para katigan ang iba pang nagsasariling pagpapasimula ng negosyo at ang patakarang ito ay opisiyal na isinagawa noong unang araw ng taong ito.
2. Proteksyong pangkalusugan
Kasunod ng bumubuting pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, pinahahalagahan nila nang mas malaki ang sariling kalusugan. Noong 2010, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga pagsisikap sa larangang ito na gaya ng libreng pagkakaloob ng pagbabakuna, pagpapalawak ng garantiyang pangkalusugan, pagtatatag ng mas maraming ospital sa maliit na lunsod at nayon, at pagpapababa ng presyo ng mga saligang medisina.
Para sa mga mamamayang Tsino, ang gastos sa medisina ay pangunahing isyu na pinapansin nila. Sa larangang ito, matagumpay ang pamahalaang Tsino. Ayon sa salaysay, hanggang sa katapusan ng taong 2011, matatatag ang pambansang sistema ng saligang gamot na sumasaklaw sa lahat ng mga organisayong pangkalusugan na ari ng estado, at saka bumaba ang presyo ng mga karaniwang gamot. Bukod dito, ang saligang medicare insurance ay sumasaklaw sa halos lahat ng mga mamamayang Tsino. Sa kasalukuyan, masasabing ang mga mamamayang Tsino ay nakapagtatamasa na ng bunga ng reporma ng pamahalaan sa larangang pangkalusugan.
3. Bahay
Sa tradisyonal na ideya ng mga mamamayang Tsino, ang sariling bahay ay isa sa mga pundamental na sangkap ng pamumuhay ng isang tao at kung mag-aasawa ang sinoman, dapat ay may isang bahay. Kaya, madaling naiintindihan ang pagkabahala ng mga mamamayang Tsino sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay na lumampas nang malaki sa kanilang katanggap-tangap na antas.
Noong 2010, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang pinakamahigpit na tadhana para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay, pero, hindi ito umabot sa inaasahang target. Kaya sa taong 2011, itinakda ng pamahalaang Tsino ang pagtatayo 10 milyong bahay sa buong bansa na gaya ng affordable house at low-rent house para sa mga mamamayang mababa ang kita. Ito'y magpapahupa nang malaki sa kahirapan ng mga karaniwang mamamayang Tsino sa isyu ng pabahay.
Sa katotohanan, hindi gaanong mauunawaan ng mga karaniwang mamamayang Tsino ang ambag ng real estate sa pagpapalaki ng kabuhayan ng bansa, pero direkta at matindi ang reaksyon nila sa masyadong mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay. Dahil para sa kanila, ang bahay ay ginagamit para tirahan lamang.
Sa aspektong ito, kailangan pa ng pamahalaang Tsino ang mas malaking pagsisikap para malutas ang hidwaan sa pagitan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay at kahirapan ng mga karaniwang mamamayang Tsino sa pagbili ng mga bahay.
Sa pangkalahatang kalagayan, kahit nananatili pa rin ang kahirapan sa naturang mga larangan, gumawa na ang pamahalaang Tsino ng mga pagsisikap at sa taong 2011, umuunlad ang mga isyu tungo sa mabuting direksyon. Batay sa kahanga-hangang tagumpay at mga natamong mahalagang karanasan ng pamahalaang Tsino sa usaping reporma at pagbubukas sa labas, kaya ng pamahalaang Tsino na lutasin ang mga isyung ito at magiging mas maganda ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa taong 2011.
Best wishes!!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |