Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ang pagdaop-palad ng Tsina at E.U.

(GMT+08:00) 2011-01-18 18:59:58       CRI

Mula ika-18 hanggang ika-21 ng buwang ito, isasagawa ang dalaw pang-estado ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Estados Unidos at ito'y may pag-asang magiging susi sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa at pagpapalalim ng kanilang pagtitiwalaan sa taong ito.

Bago ang pagdalaw ni Pangulong Hu sa Estados Unidos, dumalaw sa Tsina si Robert Gates, Kalihim ng Tanggulang bansa ng E.U. para mapanumbalik ang normal na pagpapalagayan ng panig militar ng dalawang bansa na napinsala ng isyu ng pagbebenta ng Estados Unidos ng mga santada sa Taiwan. Bukod dito, pawang ipinahayag ng mga mataas na opisiyal at dalubhasa ng dalawang bansa na mahalaga ang katuturan ng pagdalaw ni Pangulong Hu at ito'y makakatulong sa pagpawi ng hidwaan, pagpapahigpit ng kooperasyon at pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Para sa pagdalaw ni Pangulong Hu, ang pinakapangunahing isyu na kailangang lutasin ay pagpapalalim ng pagkaunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng suliraning militar, pulitikal at pambansang katiwasayan.

Kahit naganap ang mga alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at E.U. noong 2010 na gaya ng isyu ng RMB exchange rate, trade deficit ng E.U. sa Tsina, anti-dumping at iba pa, dahil sa malawak na pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at malaki ang kapakanan, ito'y hindi nakakaapekto sa saligan sa relasyon ng dalawang bansa. Halimbawa, nagkakaroon ang Tsina ng napakaraming national bond ng E.U., nagkakaloob ang Tsina ng maraming murang paninda sa E.U. na nakakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Amerikano sa pamumuhay at ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking trade partner ng E.U.. Kaya mas mahalaga at malaki ang komong kapakanan ng dalawang bansa kaysa alitan sa larangang ito.

Kumpara sa mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, matagalang malamig ang relasyon ng dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng militari, pulitika at pambansang katiwasayan. Halimbawa, ang isyu ng Taiwan, patakarang pantao at South China Sea. Sa mga isyung ito, mas malaki ang hidwaan ng dalawang bansa kaysa sa komong palagay. Kaya ang mga isyung ito ay mas madaling nakakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa kumpara sa alitang pangkalakalan.

Para sa Tsina, ang pinakapangunahing isyu na pinahahalagahan nito ay teritoryo, soberanya, katatagan ng lipunan at isyung panrehiyon na may kinalaman sa mapayapang kapaligiran nitong panlabas. Nitong ilang taong nakalipas, kahit mabilis na umuunlad ang Tsina, ang pokus ng pamahalaang Tsino ay palagiang ibinibigay sa mag isyung panloob na gaya ng pamumuhay ng mga mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.

Sa mga mahalagang isyung pandaigdig, isinasabalikat lamang ng Tsina ang tungkulin sa ilalim ng balangkas ng UN charter. Ayon sa kasalukuyang puwersang pangkabuhayan at militar ng Tsina, hindi kaya nito sa pagpapatingkad ng papel sa buong daigdig.

Sa katotohanan, kahit hindi maganda ang kabuhayan ng E.U. nitong ilang taong nakalipas, nananatili itong leader sa buong daigdig. Sa kalagayang ito, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa halip ng komprontasyon ay angkop sa kani-kanilang interes. At ang pundasyon ng kooperasyong ito ay kinabibilangan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pagtitiwalaang militar, pangpulitika at ng pambansang katiwasayan.

Kaya para sa pagdalaw ni Pangulong Hu, mas mahalaga ang katuturan ng pagpapalalim ng pagtitiwalaang militar at pampulitika kaysa paglutas ng ilang aktuwal na alitang pangkalakalan.

Ang taong 2011 ay masusi para sa relasyon ng Tsina at E.U. at ito'y mahalagang pagkakataon sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa. Dahil sa taong ito, pumasok si Pangulong Barack Obamasa sa ika-3 taon ng kaniyang termino at kailangan niyang magtipon ng mga nagawa niya sa kanyang karerang pampulitika para sa halalang pampanguluhan sa 2012. At sa halalang pampanguluhan ng E.U., ang isyu hinggil sa Tsina ay palagiang mahalagang paraan na ginagamit ng mga kandidato na manghingi ng boto.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>