Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina at E.U., maitatatag ang win-win situation at kooperatibong partnership na may paggagalangan sa isa't isa

(GMT+08:00) 2011-01-24 17:09:27       CRI

Noong nagdaang linggo, natapos ang dalaw pang-estado ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Estados Unidos. Sa kanyang biyahe, mainit siyang tinanggap ng mga Amerikano at ang kanyang biyaheng ay nakatawag ng malaking pansin ng buong daigdig.

Sa isang pahayag noong gabi ng ika-20 ng buwang ito, binigyang-diin ni Kan Naoto, Punong Ministro ng Hapon, na nagsagawa ng mahalagang talakayan ang Tsina at E.U. hinggil sa kalagayang panrehiyon at pandaigdig.

Ano kaya ang magiging direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap? Ito'y nukleong isyu na pinagtutuunan ng pansin ng buong daigdig.

Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas ng dalawang panig noong ika-19 ng buwang ito, itinakda nila ang relasyon ng dalawang bansa bilang kooperatibong partnership na may win-win situation at paggagalangan sa isa't isa. Ito'y nakapaglalatag ng matatag na pundasyon para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

Tungkol sa 3 araw na pagdalaw ni Pangulong Hu sa E.U., optimistiko ang iba't ibang sirkulo ng Amerika, lalo na sa pagkakataong komersyal sa pagitan ng dalawang bansa sa hinaharap.

Halimbawa, noong ika-19 ng buwang ito, nagpalabas sa Shanghai ang Shanghai American Chamber of Commerce ng ulat na nagsasabing noong 2010, halos 80% ng mga bahay-kalakal sa Tsina na pinatatakbo ng pondong Amerikano ay nakapagsakatuparan ng kapwa paglaki ng tubong-kita at bolyum ng pegbebenta at optimistiko ang halos 90% ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Amerikano sa prospek ng kanilang serbisyo sa Tsina sa darating na 5 taon. Ito'y palatandaan ng mahigpit na ugnayang pangkabuhayan ng dalawang bansa.

Kumpara sa komong palagay at interes ng dalawang panig sa ibayo pang pagpapaunlad ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ang "paggagalangan sa isa't isa" na iniharap sa nabanggit na pahayag ay nagpapakita ng hangarin ng dalawang bansa sa pagpapalalim ng kanilang pagtitiwalaan, pagkakaunawaan at kooperasyon.

Noong unang panahon, dahil kulang sa estratehikong pagtitiwalaan, naganap ang mga hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa, halimbawa, ikinababalisa ng E.U. na baka halinhan siya ng Tsina sa kanyang namumunong katayuan sa Asya. Pero, pinatutunayan ng katotohanan na ang pag-unlad ng Tsina ay nagpapasulong sa pag-unlad ng mga bansa at rehiyon sa paligid nito at nakikinabang din sa pag-unlad ng Tsina ang E.U..

Sa larangang pangkabuhayan, nagtutulungan din ang Tsina at Estados Unidos sa mga mainit na isyung panrehiyon na gaya ng isyung nuklear ng Korean Peninsula at Iran, paglaban sa mga pirata sa Somalia at iba pa. Nakikinabang din sa kooperasyong ito ang dalawang bansa. Sa isang dako, kailangan ng Tsina ang mapayapang kapaligirang panlabas para mapaunlad ang pambansnag kabuhayan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, sa kabilang dako naman, kailangan ng E.U. ang pangangalaga sa kapakanan nito sa Asya at ibang mga larangan.

Bukod dito, kumpara sa pangangalaga ng E.U., pangunahin na, sa kanyang kapakanang pandaigdig at namumunong katayuan sa daigdig, nagbibigay ang Tsina ng higit na malaking pansin sa kabuuan ng teritoryo at soberanya, matatag na pag-unlad ng lipunan at kabuhayan at mapayapang kapaligirang panlabas.

Kaya kapuwa para sa Tsina at Amerika, ang kanilang kooperasyon sa halip ng komprontasyon ay angkop sa kani-kanilang interes. Ang pagtitiwalaan at pagkakaunawaan sa isa't isa ay mahalagang bahagi ng bilateral na relasyon.

Sa pananatili ni Pangulong Hu sa E.U., ipinahayag ni Henry Kissinger, dating kalihim ng estado ng Estados Unidos, na ikinasisiya nilang makitang sadyang naitatatag ng Tsina at E.U. ang mas mabisang pag-uugnayan at mapawi ang pagkakaiba, dahil nagkaroon ang kanyang bansa at Tsina ng mahalagang epekto sa rehiyong Asiya-Pasipiko at buong daigdig, kaya, makakabuti ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig para sa kanilang mga mamamayan at buong daigdig.

Ang isa pang mahalagang natamong bunga ng pagdalaw ni Pangulong Hu sa E.U. ay ang tapat na pagharap sa mga hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa na gaya ng isyu ng karapatang pantao, Taiwan at iba pa. Ito'y nakakatulong sa paghanap ng paraan para malutas ang mga pagkakaiba at pagpapalalim ng pagkakaunawaan at ng pagtitiwalaan sa isa't isa.

Para sa Tsina at E.U., pagpapalalim ng pagtitiwalaan sa isa't isa ay dapat ding pahigpitin ang pagpapalitang pangkultura at ng kanilang mga kabataan. Ang isang dahilan ng kukulangan sa pagtitiwlaan ng dalawang panig ay ang hindi pagkakabatid ng mga Amerikano sa tunay na kalagayan ng Tsina, at ang pagtitiwalaan at pagkakaunawaan ng mga kabataan ng dalawang bansa ay pundasyon ng pagtatatag ng pagtitiwalaan ng dalawang panig.

Kahit tatlong araw lang ang pananatili ni Pangulong Hu Jintao sa Estados Unidos, nakapagtamo naman ng mahalagang bunga ang dalawang bansa, hindi lamang sa larangang pangkabuhayan, kundi, higit sa lahat, sa pagtatatag ng dalawang bansa ng kooperatibong partnership na may win-win situation at paggagalangan sa isa't isa at tapat na pagharap ng dalawang panig sa pagkakaiba. Ito'y makakatulong sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagkaunawaan sa isa't isa.

Imposibleng hindi magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Tsina at E.U., pero, kung isasagawa ng dalawang bansa ang tapat na pag-uugnayan at pagkoordinahan sa pundasyon ng pagtitiwalaan at paggagalangan. Tiyak na uunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa tungo sa mas malusog at positibong direksyong may mutuwal na kapakinabangan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>