|
||||||||
|
||
Ngayon sa Tsina, ano ang naging pinakaalaba? Walang dula, walang iba, kundi ang mga tren, long distance bus, airplane at iba pang mga kasangkapang pantransporte ng paghatid ng mga pasahero sa kanilang lupang tinubuan para sa Spring Festival.
Dahil ang Spring Festival ay pinakamahalagang na pestibal para sa mga mamamayang Tsino at sa panahon ng pestibal na ito, nagtitipun-tipon ang buong pamilya para magkasamang ipagdiwang ang pestibal na ito. Kaya bago ang spring festival eve, kahit saan sila, dapat umuwi ang mga mamamayang Tsino sa tahanan ng kanilang mga magulang para magkasamang magpalipas ng pestibal na ito. Pagkatapos ng pestibal na ito, babalik sila sa lugar kung saan sila namumuhay at nagtatrabaho. Ito'y nangangahulugang kailangang maghatid ang mga sasakyan ng sangkaterbang dami ng pasahero sa panahong ito kumpara sa normal na araw.
Mula ika-19 ng nagdaang Enero, nagsimulang umuwi ang mga tao sa kanilang lupang tinubuan para sa spring festival, hanggang ika-27 ng Pebrero ng taong ito, komprehensibong sinimulan ang normal na gawain ng mga bahay-kalakal at departamento ng pamahalaan at bagong semester ng paaralan. Sa panahong ito, nahaharap sa malaking presyur ang sistema ng transportasyon ng buong bansa, isang termino sa Chinese: "chunyun" ang espesyal na tumutukoy sa kalagayan ng malaking presyur ng transportasyon na tumatagal nang halos 40 araw. Ayon sa pag-taya ng Pambansang Lupon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa panahong ito ng taong 2011 ay aabot sa 2.853 bilyong person-time.
Kahit nahihirapan ang mga mamamayan sa mga lugar ng Tsina sa kalamidad ng pagyeyelo at pag-ulan ngayon, ang mas malaki ang kahirapan para sa mga mamamayang Tsino ay hindi makakabili ng ticket para sa pag-uwi sa kanilang lupang tinubuan para sa pagsaramahan ng buong pamilya. Kasi kay dami ng taong nangangailangan ng ticket.
Madali ang naiintintihan kung bakit pinakaabala ang sistemang pantransporte ng bansa sa panahong ito ng Spring Festival. Ang kalaking pangangailangan ay hindi kayang matugunan ng mga departamento ng transportasyon ng Tsina.
Upang mapahupa ang ganitong presyur sa transportasyon sa panahong ito, buong sikap na ginagamit ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang mga hakbangin para dagdagan ang bilang mga tren, airplane at iba pang mga sasakayan. Sa taong ito, ang pinakamalaking pagkakaiba kumpara sa dati ay palawakin ang saklaw ng pagbili ng ticket batay sa identification card at limitahan ang bilang ng ticket na bilhin ng bawat tao.
Ang mga tren ay pangunahing sasakyan ng Tsina sa paghatid ng mga pasahero at ang naturang mga hakbangin hinggil sa pagbili ng ticket ay makakatulong sa pagbibigay-dagok sa mga speculator para tiyakin ang mas maraming pasaherong makabili ng ticket.
Ayon sa salaysay, sa taong ito, puwede bumili ang mga pasahero ng train ticket sa pamamagitan 35 uring epektibong kredensiyal at gintagamit sa lahat ng mga estasyon ang scan machine. Bukod dito, ang bawat tao ang makakabili lamang ng di-lumampas sa 5 ticket. Ang mga hakbangin ito ay lubos na nagpapaliit ng pagkakataon ng ispekulasyon ng mga tickets. Bukod dito, aktibong nagbibigay-tulong ang mga trade union sa lahat ng antas ng Tsina sa mga migrant workers sa pagbili ng tickets.
Kahit ginamit ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para rito, sa katotohanan, ang pangunahing dahilan ng mahirap na pagbili ng tickets ay nasa napakalaking populasyon ng Tsina. Kasi sa karaniwang araw, walang problema ang pagbili ng ticket kahit saan ang gusto mong pumunta. Pero, ito'y hindi nagpapabulaan ng mga umiiral na agwat sa pagitan ng Tsina at ibang mga maunlad na bansa sa larangang ito.
Papalapit na spring festival, umaasang ligtas na magtitipun-tipon ang lahat ng mga pamilya ng Tsina at magpapalipas ng isang masayang pestibal na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |