|
||||||||
|
||
2 beses na nag-snow sa Beijing nitong nagdaang linggo; pero, bukod sa Beijing, maraming iba pang purok sa dakong hilaga ng Tsina ang nakaranas ng pag-ulan ng niyebe pagkaraan ng ilang buwan ding pananalasa ng tagtuyot.
Kahit walang niyebe sa Spring Festival season, bagay na nakabawas din nang kaunti sa masayang atmospera ng kapistahan, ang dalawang ulit na pag-ulan ng niyebe ay nagbigay ng magandang pagkakataon sa mga bata para maglaro ng snow games at nagdagdag din ng kagandahan sa kapaligiran ng lunsod, datapuwa't, para sa mga nagtatrabaho at namumuhay sa kapital, nagbigay ito ng kaunting problema sa daloy ng trapiko.
Sa madaling sabi, masayang masaya ang buong Tsina sa pagsalubong sa niyebe, lalo na iyong mga magsasaka sa dakong hilaga, gitna at silangan ng bansa dahil ito'y nakatulong sa pagpapahupa ng presyur na dulot ng tagtuyot sa pagsasaka ng nasabing mga purok.
Sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas noong 1978, kahit mabilis na umunlad ang Tsina noong nakararaang mahigit 30 taon at natamo ang mga kapansing-pansin bunga sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, siyensiya, kultura at iba pa, ang agrikultura ay nangangailangan pa rin ng maraming manggagawa at ang lebel nito ay hindi gaanong sulong. Sa isang dako, hindi pa lubos na laganap ang paggamit ng makenarya sa pagtatamin; sa kabilang dako naman, ang masamang kondisyon ng panahon nitong ilang taong nakalipas ay nagdulot ng malaking hamon sa paglaki ng output ng pagkaing-butil at ibang pananim.
Sa ilalim ng kalagayang ito, ang pangangailangan ng mahigit 1.3 bilyong mamamayang Tsino sa pagkain ay malaking hamon para sa produksyon ng pagkaing-butil at saka ang mga isyung may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka ay mga pundamental na isyung panlipunan na may kinalaman sa katatagan, kaunralan at kasaganaan ng buong bansa.
Ang nasabing mga purok na nakakaranas ng malubhang tagtuyot ay mga pangunahing purok ng Tsina na nagpoprodyus ng trigo at ang tagtuyot ay hindi lamang nakakaapekto sa pagtubo ng mga panamin, kundi nagdudulot din ng kahirapan sa suplay ng tubig na maiinom ng mga tao at hayop. Kung bababa nang malaki ang suplay ng mga pagkain-butil sa hinaharap, siguradong tataas din ang presyo ng mga paninda, na may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino; at dahil sa napakalaking pangangailangan ng Tsina sa pagkain-butil, kung mag-aangkat ito ng pagkaing-butil mula sa ibang bansa, malamang na tumaas din ang presyo ng pagkain-butil sa daigdig.
Para maharap ang panahon ng tagtuyot, mabilisang nagsagawa ang pamahalaan ng Tsina ng mga hakbangin na gaya ng pagdaragdag ng laang-gugulin, paghuhukay ng mga balon at pagsasagawa ng artificial precipitation sa mga purok na nakakaranas ng malubhang tagtuyot.
Sabi ng traditional Chinese proverb: "Ang pag-ulan ng niyebe sa taglamig ay nagpapahiwatig ng masaganang ani sa bagong taon." Kahit huli ang pagdating ng niyebe sa taglamig sa taong ito, hindi lamang ito nagbigay ng pagkakataon sa mga bata para maglaro ng snow games at nagdagdag ng kagandahan ng kapaligiran, kundi nagpahupa din sa tagtuyot ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |