|
||||||||
|
||
Ayon sa opisiyal na estadistika ng Tsina at Hapon, nalampasan ng GDP ng una ang GDP ng huli noong 2010 at ang Tsina ngayon ang ikalawang may pinakamataas na Gross Domestic Product sa daigdig. Walang duda namang nananatiling pinakamalaki pa rin ang GDP ng Estados Unidos.
Para sa buong Tsina, ito ay isang nakatutuwang balita. Sa madaling sabi, ito ay nagpapakita ng tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas, nagpapalakas ng impluwensiya ng Tsina sa daigdig at ikinararangal ng mga mamamayang Tsino. Sa katunayan, ito ang kauna-unahang pagkakataong ang GDP ng Tsina ay lumampas sa Hapon.
Mula katapusan ng ika-19 na dekada hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, masalimuot ang damdamin ng mga mamamayang Tsino sa Hapon. Sa isang dako, ang mga talentong Tsino ay umaasang mapapayaman at mapapalakas ang bansa sa pamamagitan ng paggaya sa mga hakbangin at patakaran ng Hapon at tunay na magbibigay ang mga mababait na Hapones ng tulong sa Tsina; sa kabilang dako naman, ang pananalakbay ng Hapon sa Tsina ay nagbunga ng grabeng kanpinsalaan sa buong Tsina.
Kaya, kahit napanumbalik ang normal na relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon noong ika-7 ng nagdaang siglo at lumalalim nang lumalalim ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan mula noon, nananatiling sensitibo pa rin ang damdamin ng halos lahat ng mga mamamayang Tsino sa mga bagay na may kompetisyon sa pagitan ng dalawang bansa na gaya ng palakasan, kabuhayan, siyensiya, pulitika at iba pa. Pero, kung di isasaalang-alang ang mga elemento ng damdamin at kasaysayan, kinikilala ng halos lahat ng mga mamamayang Tsino ang kagandahan ng Hapon at kahit ang GDP ng Hapon ngayon ay mas mababa sa Tsina, dapat pa ring tularan ng Tsina ang Hapon sa mga larangan na gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, sibilisadong kalidad ng mga mamamayan, social security system, serbisyong pangkalusugan at iba pa.
May mga nagpapalagay naman na sa susunod daw, malalampasan na ng Tsina ang Estados Unidos sa kabuhayan. Sa katotohanan, ito ay hindi matuwid na pag-aakala. Bagama't hindi isinasaalang-alang ang napakaling agwat sa pagitan ng Tsina at E.U., ang pangunahing gawain ng Tsina sa ngayon ay magsikap para malutas ang mga isyung panlipunan na may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Halimbawa, pigilin ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga paninda at pabahay, magkaloob ng sapat na Indemnity apartments sa mga karaniwang tao na tunay na nangangailangan ng bahay, pahupain ang masikip na trapiko sa mga lunsod, mapagtamasa ang migrant workers ng kaparehong trato sa mga residente sa lunsod pagdating sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, hanap-buhay at iba pa. At ang mga isyung ito ay may mahigpit na kinalaman sa katatagan at kaunlaran ng lipunan.
Sa katotohanan, mas mahalaga ang katuturan nito kaysa pagpapalaki lamang ng pambansang kabuhayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |