Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Sa spring festival eve, Anong TV programa ang gustong mapanood ng mga Tsino?

(GMT+08:00) 2011-03-02 14:04:42       CRI

Kung tatanungin ninyo ang mga Tsino kung ano anong TV programa ang gusto nilang panoorin kung Spring Festival eve, walang duda, CCTV Chinese spring festival gala ang isasagot ng karamihan sa kanila.

Kahit parami nang paraming Tsino ang nagpapalagay na ang nilalaman ng gala na ito ay hindi kasingganda sa noong dati, at nagsasahimpapawid din ang mga TV station ng mga probinsiya ng sariling evening gala sa festival eve, ang central TV gala pa rin ang pinanonood ng karamihan ng mga mamamayang Tsino.

Ang CCTV spring festival gala ay sinimulan noong 1983. Noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, ang TV ay isang luxury items para sa mga karaniwang pamilya ng Tsina at ang bagay na siguradong ginagawa ng mga pamilya pagkatapos ng hapunan ay magkakasamang manood ng TV program. Dahil kaunti lamang ang palabas sa telebisyon noong panahong iyon, ang CCTV Chinese spring festival gala ay unti-unting naging mahalagang aktibidad para sa pagpapalipas ng pestibal na ito.

Ang CCTV spring festival gala ngayon ay isa nang simbolo ng spring festival sa lunar calendar ng Tsina, ito ay nagpapahiwatig ng muling pagsaama-sama ng buong pamilya para magkakasamang masayang palipasin ang kapistahan. Bagama't, sa isang dako, tumataas nang tumataas ang ekspetasyon ng mga mamamayang Tsino sa gala na ito; sa kabilang dako naman, unti-unti naming nawawala ang mga mahusay na programa na nakakatugon sa pangangailangan ng malawak na masa ng mga manonood.

Kaya, madaling naiintindihan kung bakit masalimuot ang damdamin ng mga Tsino hinggil sa CCTV Chinese spring festival gala: kahit tiyak na marami silang puna sa nilalaman ng galang ito tuwing matatapos ang kanilang panonood, ang karamihan sa kanila ay nanonood pa rin nito at siguradong manonood sa mga susunod pang taon.

Hindi lamang ang CCTV Chinese spring festival gala ang nagkukulang sa magagandang katha, maksi ang industriyang pangkultura ng Tsina ay ganun din. Halimbawa sa pamilihan ng pelikula ng Tsina noong 2010, kahit lumaki nang malaki ang kabuuang box-office, ang karamihan nito ay napunta sa iilang dayuhang pelikula na gaya ng Harry Porter VII, Inception at iba pa. Amg karamihan sa mga domestikong pelikula ay hindi nakakapasok sa mga sinehan.

Sa maiking salita, ang dumaraming puna sa CCTV spring festival gala ay nagpapakita ng agwat sa pagitan ng lebel ng industriyang pangkultura ng Tsina at aktuwal na pangangailangang pangkultura ng mga mamamayang Tsino.

Ngayon, natamo ang mga kilalang tagumpay ng Tsina sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, siyensiya, palakasan. Halimbawa, ang GDP ng Tsina ay nasa ika-2 puwesto sa daigdig, ang bilang ng medalyang ginto sa 2008 Beijing Olympic Games ay pinakamarami sa lahat ng mga delegasyon ng palakasan at ang mga astronaut ng Tsina ay nakapagsagawa ng space walk. Pero, kumpara sa naturang mga tagumpay, mas atrasado ang larangang pangkultura ng bansa.

Kahit may ilang napakagandang katha na gaya ng "Let the Bullet Fly", "If You are the One" at mga kilalang direktor at actor na gaya nina Feng Xiaogang, Jiang Wen at Ge You, kumpara sa malaking pamilihang Tsino, kulang na kulang sa bilang ng mga naitinuturing na mahusay na katha na nakakatugon sa malaking pangangailangan ng mga mamamayang Tsino.

Noong panahon ni Chairman Mao, ang mga katha sa industriyang pangkultura ay ginagamit, pangunahin na, bilang patnubay sa gawi at moralidad ng mga mamamayang Tsino. Sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, umuunlad ang industriyang ito tungo sa ganap na ibang direksyon: ang mga katha ng industriyang pangkultura ay pangunahing ginagamit para sa paglilibang. Kung walang pamantayang moral, ang mga katha ng industriyang pangkultura ay madaling gumanap ng negatibong papel sa asal at moralidad ng mga tao, lalo na sa mga bata. Ang mga masamang katha ay nakasasama sa isip ng mga tao na tulad din ng junk food sa kanilang kalusugan.

Idaraos sa linggong ito ang sesyon ng NPC at CPPCC, at ang mga isyu na may kinalaman sa pamumuhay na gaya ng bahay, presyo ng bilihin, trapiko at iba pa ay nakakatawag ng malawak na pansin ng buong lipunan. Pero ang mga isyu ng industriyang pangkultura ay dapat bigyan ng malaking pansin, dahil ang industriyang ito ay hindi lamang nagkakaloob ng mga pagkakataon sa hanap-buhay at nagpapasulong ng kabuhayan, kundi nakakaapekto rin sa asal ng mga tao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>