|
||||||||
|
||
Kung naghihintay ako ng tren sa railway station, lagi kong naiisip na sana may pakpak na lang ako para makapunta ako kahit saan ko gusto. Noong gabi ng ika-27 ng nagdaang Pebrero, isang normal na araw na kung kelan walang nagaganap na anumang abnormal na pangyayari sa Beijing, sa maniwala kayo't hindi, isang oras akong naghintay ng taksi pauwi sa bahay. Isipin niyo, mula alas-onse hanggang alas-dose. Kahit maraming taksi noong mga oras na iyon, marami din naman ang naghahanap ng taksi at gustong sumakay ng taksi.
Nasisiguro ko na ganundin ang karanasan ng iba pang karaniwang mamamayang Tsino at ang nabanggit na isyu ay isa sa mga puna nila sa industriya ng daambakal ng bansa.
Ang mga pangunahing puna ng mga mamamayang Tsino hinggil dito ay mahirap bumili ng tiket kung panahon ng national holiday at hindi kombinyente ang mga serbisyo sa railway stations.
Kung statistics lamang ang pag-uusapan, talagang malaki ang pag-unlad ng industriya ng daambakal sa Tsina. Ayon sa pinakahuling figures, hanggang noong katapusan ng 2010, ang kabuuang haba ng daambakal sa buong bansa ay umabot sa 91 libong km na kinabibilangan ng 8358 kilometro ng high speed railway. Bukod dito, popular din ang high speed railway technology sa buong daigdig.
Sa katotohanan, ang nabanggit na mga isyu ay hindi mga bagong-sibol na problema at kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at pagtaas ng pamantayan ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, nagiging namumukod ang naturang mga problema.
Mangyari pa, talagang may mga scalper na nagmamanipula ng tiket ng tren, ngunit, kumpara sa mahigit 1.3 bilyong populasyon ng Tsina at malaking pangangailangan sa tiket, hindi ito gaanong lumikha ng malaking kahirapan sa pagbili ng tiket.
Para sa karamihan ng mga mamamayang Tsino, sa holiday season, laging tren ang pinipili nila kung sila ay magpupunta sa mga matulaing purok at uuwi sa lupang-tinubuan. Ayon sa estadistika, noong spring festival season ng taong 2011, ang bilang ng mga pasahero na inihatid ng mga tren ay umabot sa 221 milyon na lumaki ng 8.3% kumpara sa gayung ding panahon ng tinaliktang taon.
Dahil mabilis na lumalaki ang bilang ng mga pasahero, ang presyur sa mga serbisyo ng railway station ay bumibigat din nang husto.
Dahil ang lahat ng mga daambakal, tren at railway station sa Tsina ay pag-aari ng estado, ang naturang kahirapan ay may kinalaman din sa serbisyo ng pamahalaan na gaya ng pagsasaayos ng transportasyon sa paligid ng istasyon ng tren, pagbibigay-dagok sa ispekulasyon sa tiket, etc.,
Bukod dito, may Ministri ng Daambakal ang Tsina para espesyal na pangasiwaan ang mga may kinalamang suliranin. Kaya, kung papaanong mapipigilan ang pagkuha ng mga scalper ng tiket ay tungkulin nito.
Ang isa pang isyu sa konstruksyon ng daambakal ay itong sa high speed railway na nakumpleto nitong ilang taong nakalipas lamang. Kahit pa mabilis at kombinyente ang tren na ito, mababa naman ang kapasidad nito at dalawang ulit na mas mahal ang ticket kumpara sa karaniwang tren, bagay na nangangahulugan na ang pagtaas ng carrying capacity ng tren ay hindi nakatugon sa paglaki ng bilang ng mga pasahero.
Kahit ang pag-unlad ng industriya ng daambakal ay may mahalagang katuturan para sa pambansang kabuhayan, para sa mga mamamayang Tsino, ang tren ay isang mode of transport, at ang kahilingan nila dito ay mabilis, mura at kombinyente sa halip ng mataas na estadistika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |