|
||||||||
|
||
Para sa mga mamamayang Libyano, walang dula, may obligasyon ang kanilang pamahalaan na ipagtanggol ang kanilang ari-arian at kaligtasan. Pero sa pagharap sa dagok-militar ng mga bansang kaluranin na gaya ng Estados Unidos, Pransya at Britanya, kulang ang pamahalaan ng Libya sa sapat na kakayahan at materyal para isakatuparan ang kanilang obligayon.
Sa kabilang dako, kahit idinekalara ng naturang mga bansa na ang aksyong ito ay nakatuon lamang sa mga target na militar at naglalayong maisakatuparan ang demokrasya sa loob ng Libya at ibagsak ang rehimeng diktatoryal ni Omar Mouammer al Gaddafi, ang katotohanan ay: ang akyong ito ay ikinamatay na ng halos sandaang Libyano, ikinasugat ng ilang daang iba pa at ikinawasak ng maraming bahay at imprastruktura. Magbabayad ba ang naturang mga bansang kanluranin ng pera para muling maitayo ang mga tahanan ng mga Libyano kapalit ng mga nasira?
Para sa naturang mga bansang kanluranin, ang pagiging sagana ng langis sa Libya ay nagsisilbing bagay na nakakaakit sa kanila sa halip ng unamo'y pagsasakatuparan ng demokrasya sa Libya.
Umaasa lamang ako na malulutas ang krisis na ito sa mapayapang paraan at mababawasan, hangga't makakaya, ang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ng mga mamamayang Libyano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |