Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tomb Sweeping Day sa Tsina, nagiging low carbon

(GMT+08:00) 2011-04-05 16:20:05       CRI

Ang ika-5 ng Abril ay Tomb Sweeping Day, isang tradisyonal na pestibal ng pag-aalay at paggunita ng mga mamamayang Tsino sa kanilang mga ninuno at yumaong kamag-anakan.

Sa araw na ito, bilang tradisyon, nagsisindi ang mga mamamayang Tsino ng mga pera-perahan at iba pang kayamanan na gawa sa papel na tulad ng kotse at bahay. (maksi ang mga naglilingkod ?) Kasabay nito, naghahandog din sila ng mga pagkain, alak at prutas sa seremonya ng pag-aalay o offering. Ang mga aktibidad na ito ay nakakadagdag nang malaki sa basura at polusyon sa kapaligiran.

Pero, sa taong ito, nagiging low carbon ang mga aktibidad sa pestibal na ito; halimbawa, mga bulaklak na lamang ang ginagamit at isinasagawa ang mga seremonya sa pamamagitan ng internet.

Para sa mga mamamayang Tsino, ang pagbabagong ito ay nagmula sa pagpapahalaga nila sa pangangalaga sa kapaligiran sa halip ng di-paggalang sa kanilang mga ninuno at yumao, dahil ang layunin ng mga aktibidad ay gunitain lamang ang mga ninuno at namatay na kamag-anakan, Samantala, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdulot ng mga hadlang para sa mga tradisyonal na kaugalian sa pestibal na ito; halimbawa, kasunod ng proseso ng pagunlad ng Tsina, parami nang paraming tao ang nagtatrabaho at namumuhay sa ibang lunsod, at hindi silang lahat ay nakakauwi sa kanilang lupang-tinubuan sa araw ng pestibal na ito.

Bukod dito, dahil sa one child policy ng Tsina, nagiging maliit ang saklaw ng isang pamilya, kaya, para sa mga batang Tsino, ang aktibidad nila ay kinabibilangan lamang ng pag-alaala sa kanilang mga lolo at lola.

Kaya, hindi kailangang maging malaki ang aktibidad sa pestibal na ito para sa mga karaniwang pamilya. At dahil naman sa malaking presyur sa pamumuhay, kahit may isang araw na pambansang bakasyon sa pestibal na ito, hindi rin nila gustong mapagod dahil may pasok sila kinabukasan. dapat pumasok sila bukas.

Bukod sa Tomb Sweeping Day, naaapektuhan din ang mga iba pang tradisyonal na pestibal ng Tsina ng mabilis na ritmo ng pamumuhay at pag-unlad ng bansa, kaya, para sa pamahalaan, ang tungkulin nito ay hindi lamang pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan, kundi pangalagaan din ang mahahalagang tradisyonal na kaugalian at kultura ng bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>