|
||||||||
|
||
Tuluy-tuloy pa din ang krisis sa pagtagas ng nuclear radiation sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ng Hapon. Gaano man kalawak ang saklaw ng pagkalat nito, hindi rin magbabago ang malaking kapinsalaang maidudulot nito sa mahabang panahon.
Sa kabilang dako, patuloy pa din ang iba't ibang bansa na gaya ng Tsina, Pransya, Estados Unidos, maski ang Hapon sa pagtatayo ng mga bagong nuclear power plant, dahil kumpara sa mga hydroelectric power station at thermal power plant, ang mga ito ay may malaking bentahe sa pagsusuplay ng kuryente at mas maliit ang bolyum ng binubigang CO2.
Bukod dito, matatag ang gastusin sa pagsusuplay ng kuryente ng nuclear power plant at madaling ihatid ang mga uranium.
Pero, kahit isinusulong ang teknolohiya para maigarantiya ang kaligtasan ng pagtakbo ng nuclear power plant, walang sinuman ang maaaring mag-garantiya na ang nuclear power plant ay 100% ligtas sa pagharap sa lahat ng mga likas na kapahamakan at kung magaganap ang kahit na maliit na problema, siguro malaki rin ang kapinsalaan-- tulad ng kalagayan ngayon sa Hapon. Kahit na pinakamasulong ang teknolohiya ng Hapon sa nuclear power plant, hindi pa din nananatiling ligtas ito sa pagharap sa grabeng lindol at tsunami.
Kaya, para sa mga pamahalaan sa buong daigdig, kung papaano nila hahawakan ang isyung ito ay isang malaking katanungan.
Halimbawa sa Alemanya, ipinangako ng pamahalaan na itatakwil nito ang pagtatayo ng mga bagong nuclear power plant at sasarahan ang lahat ng mga umaandar na planta sa bansa.
Pero, para sa mga bansa na mayroon nang mga nuclear power plant o kinakaharap ang problemang kakulangan sa suplay ng kuryente, siguro ang pagtayo o paggamit ng nuclear powerplant ay isang mabuting pagpili.
Kaya, para sa sangkatauhan, ang nuclear power station ay walang iniwan doon sa sinasabi nating two sides of a coin-- may bentahe at disbentahe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |