|
||||||||
|
||
Noong ika-18 ng buwang ito o nagdaang Lunes, ibinaba ng Standard & Poor's Ratings Service ang long-term outlook nito sa government debts ng Estados Unidos (E.U.) mula sa "Stable" papunta sa "Negative," pero pinanatili naman nito ang AAA credit rating ng naturang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ng Standard & Poor's na may pagdududa sila sa paraan ng paglutas ng E.U. sa napakalaking halaga ng federal budget deficit at walang humpay na paglaki ng government debts nito.
Ang aksiyong ito ay direktang nagresulta, nang araw ring iyon, sa pagbaba ng mga stock market sa Asya at Estaods Unidos at pagkabahala ng mga namumuhunan. Mabilis ding tumaas ang presyo ng ginto na naging record sa kasaysayan at umabot sa 1497.23 dolyares bawat ounce.
Bilang tugon, kahit ipinahayag nang araw ring iyon ng Kagawaran ng Tesorerya ng E.U. na masyadong mababa ang pagtasa ng Standard & Poor's sa kakayahan nito sa pagharap sa hamong piskal, ikinababahala pa rin ng mga mamumuhunan na ang sangkaterbang utang ay makakahadlang sa pagkalap ng E.U. ng sapat na pondo para katigan ang pagbangon ng kabuhayan ng bansa, dahil na rin sa malaking pagkakaiba ng mga partido ng E.U. hinggil sa utang na ito.
Ito'y mukhang ang kabuhayan ng E.U. ay masasadlak sa deadlock sa hinaharap; at kung magkakaganoon, may problema din ang kabuhayan ng buong daigdig.
Unang una, ang kabuhayan ng E.U. ay nakakaapekto nang malaki sa kabuhayan ng daigdig, dahil kung may problema ang kabuhayan ng E.U., agarang naaapektuhan nito ang kabuhayan ng ibang bansa.
Ikalawa, ang malaking trade deficit ng E.U. ay nangangahulugan na kung hihina ang U.S. market, ang kabuhayan ng mga bansa na may malaking bolyum ng pagluluwas sa Amerika na gaya ng Tsina ay maaapektuhan din.
Ikatlo, dahil ang E.U. ay bansang may pinakamalaking utang sa daigdig, kung hindi ito makakabayad ng utang, mapipinsala nang malaki ang mga bansang pinagkakautangan nito. ang pinangungutangan nito ay kinapinsalaan nang malaki. Ang mga pinangungutagang bansa ng E.U. ay kinabibilangan ng Tsina, Hapon, Britanya at iba pa. Kaya kung magaganap ang kalagayang ito, ito ay malaking kalamidad para sa buong daigdig.
Sa banding huli, ang pinakapangunahing bagay sa nabanggit na mga isyu ay dollar ang ginagamit na international reserve currency. Ito ay nangangahulugan na kahit gaano kalubha ang problema na kinakaharap ng E.U., ang pinakamadaling paraan ng paglutas dito ay ang direktang paglulunsad ng napakalaking bolyum ng dolyares; pero, ito rin naman ang pinakamasamang paraan, dahil ito ay nagsisilbing dahilan ng pagguho ng sistemang pangkabuhayan ng buong daigdig.
Sa kasalukuyan, ang kabuhayan ng E.U. ay nananatiling nukleo ng kabuhayang pandaigdig at patuloy ding nagbibigay-ambag sa kabuhayan ng mundo; gayunman, ang problemang pangkabuhayan nito ay may negatibong epekto rin sa kabuhayan ng iba't ibang bansa, kaya, kung maitatatag ang isang sistemang pangkabuhayan na kung saan ay magkakapantay ang iba't ibang bansa at mutuwal na makikinabang ang lahat ng bansa, itong sistemang ito ang magsisilbing garantiya ng sustenable, mabilis at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |