Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Premyer Tsino, dadalaw sa Malaysiya at Indonesiya

(GMT+08:00) 2011-04-26 22:35:08       CRI

Sa paanyaya ng Punong Ministro Datuk Najib Razak ng Malaysiya at Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesiya, mula ika-27 hanggang ika-30 ng buwang ito, magsasagawa si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng opisiyal na pagdalaw sa nasabing 2 bansa.

Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa kanyang pananatili sa Indonesiya at Malaysiya, makikipagtagpo at makikipagtalastasan si Premyer Wen sa mga lider ng nasabing 2 bansa hinggil sa bilateral na relasyon, pagpapalalim ng kooperasyon sa iba't ibang larangan at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan para mapasulong ang bilateral na relasyon at relasyon ng Tsina at ASEAN, at ang katatagan, kapayapaan at kasaganan ng rehiyong ito. Kasabay nito, hindi rin iwawaksi ang pagkakaiba ng Tsina at ASEAN sa isyu ng South China Sea.

Ang Malaysiya ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN, samantalang ang Indonesia naman ay pinakamalaking bansa sa ASEAN at may pinakamalaking populasyon, kaya may malaking espasyo at magandang prospek ng bilateral na kooperasyon ang Tsina at naturang 2 bansa. Inaasahang sa pamamagitan ng pagdalaw ni Premyer Wen, ibayo pang mapapasulong ang bilateral na relasyon, kooperasyon at kalakalan ng Tsina at naturang 2 bansa, maging sa lahat kasaping bansa ng ASEAN.

Sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Marzuki Alie, Ispiker ng Parliamento ng Indonesiya

Kasabay nito, ang taong 2011 ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at unang anibersaryo ng opisyal na pagkakatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, kaya, para sa Tsina, ang ASEAN ay mahalagang trade partner, at may malawak na komong kapakanan ang dalawang panig.

Pero, para sa bawat kasaping bansa ng ASEAN, mas malaki at malakas ang Tsina, kaya madaling maintindihan kung bakit pinananatili ng mga bansang ASEAN ang matamang pagsubaybay sa mga hakbangin at patakaran ng Tsina.

Kaya, sa pagdalaw ni Premyer Wen sa Malaysiya at Indonesiya, kung gaano kahalaga ang pagpapasulong ng bilateral na kalakalan para sa kapakinabangan ng kanilang mga mamamayan, ganun din kahalaga ang pagpapalalim ng pagkaunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig. Sa isang dako, dapat pasulungin ng Tsina ang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang panig sa mga larangan na gaya ng kultura at edukasyon sa halip ng kalakalan, kabuhayan at pulitika lamang, kasi ang mga mamamayan ay pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sa kabilang dako naman, dapat ipakita ang kakayahan at hangarin sa pantay na pakikitungo sa mga bansang ASEAN, paggalang sa kanilang kapakanan at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Kasabay nito, may kani-kanilang natatanging kalagayan ang mga bansang ASEAN, kaya, sa proseso ng pakikipagpalagayan ng Tsina sa mga bansang bansang ito, dapat isaalang-alang ang kanilang natatanging kalagayan.

Sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Panglawang Punong Ministro Muhiyiddin Yassin ng Malaysiya

Halimbawa, ang Malaysiya at Indonesiya ay mga bansang Muslim sa ASEAN, ang Pilipinas ay Katolikong bansa, ang Thailand at Myanmar ay bansang Budista at ang Biyetnam ay sosyalistang bansa na tulad ng Tsina.

Para sa Tsina, sa isang dako, ang mga Muslim ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng buong bansa; sa kabilang dako naman, ang Muslim at mga tao na nananampalataya sa Islam ay nasa minorya sa Tsina; kaya, ang pagpagpapakita ng Tsina sa nasabing dalawang bansa na malaya ang mga mamamayan na manampalataya sa Islam at may patas na katayuan ang mga Muslim sa iba pang lahi ng Tsina ay mahalagang nilalaman rin ng pagdalaw ni Premyer Wen at ito ay mahalaga ring paraan ng pagpapatatag ng kanyang prestihiyo sa rehiyong ito at buong daigdig.

Kaya, kahit nananatili pa rin ang mga pagkakaiba ng dalawang panig gaya ng sa isyu ng South China Sea at hindi ginagamit nang lubos ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig ang CAFTA, kung ibayo pang mapapalalim ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan ng dalawang panig sa larangan ng kultura, ito ay makakatulong nang malaki sa paglutas sa isyung ito at sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang panig, dahil mas mahaba ang epekto ng kultura at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa kaysa sa termino ng mga pamahalaaan at aktuwal na bunga ng kalakalan at kabuhayan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>