|
||||||||
|
||
Sa Tsina, iyong mga taong isinilang noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo ay tinatawag na mga 80's. Sa kasalukuyan, halos silang lahat ay nagtatrabaho; at kahit na mabilis na umuunlad ang Tsina, mas mabigat ang hamon na kinakaharap nila kumpara sa kanilang mga magulang.
Sinabi minsan ni Confucius, dakilang philosopher at educator sa kasaysayan ng Tsina, na ang taong tutuntong sa gulang na 30 ay dapat magsabalikat ng responsibilidad depende sa sariling kakayahan at tiyakin ang sariling ambisyon. Sa madaling salita, dapat sarilinang harapin nila ang anumang problemang darating sa kanilang buhay.
Kahit nakapagtatag na ang pamahalaang Tsino ng mga Confucius Institute sa buong daigdig, ang mga ideya ni Confucius ay nahaharap ngayon sa loob ng Tsina ng malaking hamon na dulot ng mga isyung panlipunan, at ang nabanggit na pangungusap ni Confucius ay isa sa mga ito.
Kumpara sa kanilang mga magulang at mga taong isinilang noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo, mas maganda ang kondisyon sa pamumuhay ng mga taong isinilang noong ika-8 dekada (mga 80's); mas marami silang pagkakataon para makapag-aral, makapaghanapbuhay at makapaglibang. Pero, mas mabigat ang presyur na pinapasan nila sa buhay at trabaho. Masasabing kahit natatamasa nila ang bunga ng pag-unlad ng Tsina na tulad din ng kanilang mga magulang at mga taong mas matanda sa kanila, sila ang pangunahing henerasyon na nagsasabalikat ng mga problema na dulot ng pag-unlad ng Tsina.
Para sa mga taong isinilang noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, ang pinakamalaking hamon ay ang di-pantay na pagkakabahagi ng yamang panlipunan at pagkakataon sa hanap-buhay. Ibig-sabihin, ang kondisyon ng pamiliya ay gumaganap ng mas mahalagang papel sa pamumuhay at trabaho, sa halip na sariling pagsisikap at kahusayan.
Halimbawa, kung mayayaman ang kanilang pamilya o ang kanilang mga kamag-anak, madali silang makapagtatamasa ng mas magandang pamumuhay, edukasyon, trabaho, at higit sa lahat, magtamo ng tagumpay sa kanilang karera.
Ayon sa estadistika sa pagpapa-aral sa mga anak, 99% ng mga kabataan mula sa mayayamang pamilya ay pumapasok sa pinakamahuhusay na paaralan, 50% naman ang mula sa middle class. Pero, sa kabila ng buong lakas na pagsisikap, di pa rin lampas sa 5% ng mga mga mahihirap ang kayang magpaaral ng mga anak. Ibig-sabihin, malayo ang agwat ng kakayahan ng mga mayayaman sa larangan ng katarungan at edukasyon, kumpara sa mga mahihirap, at malaki ang bentahe nila pagdating sa pagiging kompetitibo. Ang mga mayayaman ay hindi na kailangang magsimula sa pinakamababa yugto, at ito ang kanilang bentahe.
Para sa mga taong galing sa katamtamang pamilya, na karamihan ay ipinanganak noong dekada 80, dapat ay lalo magsikap pa silang magsikap sa buhay, dahil tumataas nang tumataas ang presyo ng halos lahat ng mga serbisyo at bilihin na gaya ng bahay, pagkain, komunikasyon, edukasyon at iba pa, pero, hindi naman tumataas ang kanilang kita sa parehong.
Para naman sa mga magulang ng mga ipinanganak noong dekada 80 at nga taong mas matanda sa kanila, kahit kinakaharap nila ngayon ang mga isyung panlipunan, sila, minsan ay nakapagtamasa ng bunga ng karaniwang sistema ng pagbabahaginan ng Tsina na gaya ng murang bahay, mabuting common wealth at pagkakataon sa trabaho.
Sa katotohanan, ang karamihan sa mga ipinanganak noong dekada 80 ay dapat kaharapin ang banta ng mga interest group na lumitaw pagkaraan ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas noong 1978.
Mas mahina ang kanilang puwersa sa pagkuha ng kasalukuyang bunga ng pag-unlad na panlipunan, dahil maliit na bahagi lamang sila ng buong populasyong Tsino, at nasa mababa silang antas sa iba't ibang industriya ng Tsina.
Sa kasalukuyan, halos 30 taong gulang ang mga tao na isinilang noong unang dako ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, pero, dahil sa mga pangyayari sa kasalukuyan, maaaring hindi nila magampanan ang mensahe ni Confucius na ang isang taong nasa 30 taong gulang ay dapat tiyakin ang sariling ambisyon at magsabalikat ng responsibilidad, depende sa sariling kakayahan.
/end//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |