Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-44 2011

(GMT+08:00) 2011-05-30 18:55:41       CRI

May 29, 2011 (Sunday)

Salamat sa lahat ng mga kaibigan na nagpadala ng get-well-soon messages. Salamat sa 0086 1352 0234 755, 0086 1381 1409 630, 919 426 0570, 915 807 5559, 917 401 3194 at 917 960 6218.

Nan Quan Mama

Sabi ni Thelma ng Cavite City, sana raw i-feature sa programang ito one Sunday ang paborito niyang Chinese music band na Nan Quan Mama. Hindi raw niya alam kung bakit gusting-gusto niya ang mga boses ng mga mang-aawit na ito.

May snail mail si Cunigunda Taylo ng Mariveles, Bataan. Sabi:

"Dear Friends,

Kumusta sa mga tunay kong kaibigan. Kayo ang aking wheel of fortune. Matagal na akong binabagabag ng ubo ko. Naalala ko tuloy iyong binanggit ninyo noon na mahusay na gamot sa ubo na mula sa ugat ng puno. Hindi nabibili dito ang sinasabi ninyong gamot, pero noong magpunta ako sa Chinese drugstore, binigyan nila ako ng substitute. Salamat sa inyong paalala. Talagang ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot, kaya tuloy naging ugali ko na ang pakikinig sa inyong programa. Sayang nga lang at ang programa ninyo ay sa gabi, kasi maghapon ako sa palengke dahil tindera ako ng mga sari-saring gamit sa bahay. Habang nagbabantay sana ako ng tindahan, puwede akong makinig sa inyo. Gayunman, kahit ano naman ang ginagawa ko sa bahay, nakatutok din ang tenga ko sa inyong istasyon. Hinahangaan ko ang ginagawang plano ng inyong pamahalaan para sa mga senior citizen ninyo. Darating ang araw at magiging senior citizen din ako kaya malaki ang malasakit ko sa kalagayan ng mga matatandang miyembro ng lipunan. Kinagigiliwan ko din ang pakikinig sa inyong mga klasikal na tugtugin. Ito kasi ang tipo ng tugtugin na sadyang gusto kong mapakinggan. Salamat nga pala kay Ramon Jr. sa kanyang paalala sa kanyang mga sulat. Hanggang dito na lamang at salamat uli sa padala ninyong gamot na, walang halong eksaherasyon, ay malaki ang naitulong sa akin.

Gumagalang,

Cunigunda Taylo

Mariveles, Bataan

Philippines"

Thank you so much, Cunigunda. Very interesting at very touching ang sulat mo. Huwag kang magsasawa ng pagsulat sa amin, ha? At sana magkaroon ka rin ng pagkakataong tumawag sa amin sa telepono. God love you, Cunigunda.

Tornado sa Missouri, U.S.A.

Sabi ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Pareng Ramon, para sa akin, ang maituturing na signs of the times ay iyong tornado sa Missouri, U.S.A.; pagputok ng bulkan sa Iceland; at kaguluhan na nagaganap sa Gitnang Silangan. Ipagpatuloy natin ang ating pagdarasal, mataimtim na pagdarasal, para sa ikatatahimik ng ating mundo."

Pagsabog ng bulkan sa Iceland, nagpadilim sa paligid ng rehiyon

Kaguluhan sa Gitnang Silangan

Sa puntong ito ng ating programa, gusto kong hilingin sa inyo na kung kayo ay naka-log on sa facebook, diinan lamang ninyo iyong "like" button na nasa kanang bahagi ng inyong webpage. Matutunghayan ninyo ang aming website at magkakaroon kayo ng pagkakataong ipahayag kung ano man ang inyong nasasaisip.

Sabi ni Vilma ng Mariveles, Bataan: "Kuya Mhon, welcome sa facebook. Ngayon, mas matagalan na ang chatting natin. Maraming kababayan ang naghahanap sayo pero di ka makita-kita."

Sabi naman ni Cleofe ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Ramon, alam namin kung ano ang pinagdadaanan mo sa ngayon. Lakasan mo ang loob mo. Huwag kang patatalo sa sakit. Kayang-kaya mong igupo iyan. Lagi kang hihingi ng tulong kay Lord."

Sabi naman ni Karen ng La Paz, Tarlac: "Napakinggan ko last episode ng Gabi ng Musika. Okay dating ng inyong blind item. Mahusay mag-emote reporter niyong sward. Bading na bading ang dating, eh."

Salamat sa inyong text messages.

MOVING

(JAY CHOU)

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jay Chou sa awiting "Moving," na lifted sa album na may pamagat na November's Chopin 11. As usual, sa bahaging ito ng ating programa, bigyang-daan naman natin ang ating latest showbiz buzz. Super DJ Happy, pasok!

L O V E R

(DAO LANG)

Dao Lang, sa awiting "Lover," na buhat sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

Sabi ng 921 378 1478: "Website designer din ako on the side, kaya masasabi ko, in my professional point of view, na ang website ninyo ay brilliant."

Sabi naman ng 918 224 6832: "Crush ko ang inyong website. Nandoroon lahat ang mga lutuing tsino maski iyong mga wala sa Cooking Show."

Sabi naman ni Janet ng Dasmarinas Village, Makati City: "I like your website. It is the pride of all Filipinos working overseas."

Sabi naman ni Citadel ng San Pedro, Laguna: "I've been visiting your website all along these days. Words of praise are not enough. It's too good to be true."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>>Pasok sa Kuya Ramon's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>