|
||||||||
|
||
June 19, 2011 (Sunday)
Happy Father's Day sa lahat ng mga haligi ng tahanan, lalong lalo na doon sa mga padre de pamilya na nakikinig sa mga oras na ito. Kumusta kayo diyan sa San Andres, Paco, Pandacan at Sta. Ana. Paano ba ninyo ise-celebrate ang inyong dakilang araw?
Maraming maraming salamat, mabuhay at God bless kina Poska ng poskadot610@hotmail.com, Dr. George ng george_medina56@yahoo.com, Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com, Manny ng many_feria@yahoo.com, Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com, Caroline ng carolnene.edwards@gmail.com, at Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch.
Nakikinig ngayon iyong mga miyembro ng Hurricane Band. Happy listening sa inyo, guys! Dinalaw ko sila noong isang gabi sa Hard Rock Café. Miss na miss daw nila ako. Iyon ang sabi nila.
May snail mail si Jane ng Riyadh, Saudi Arabia. Sa isang bahagi nito, sinabi niya: "Impressed na impressed ako sa e-mail mo, Kuya Ramon. Ang sarap-sarap basahin. Kahit basahin ko ng maraming beses, hindi ako nagsasawa. Full of wisdom talaga. Nagustuhan ko iyong quotation mo na "No amount of success can compensate for failure in the family." Napakaganda. Maraming salamat, kuya, sa pagsi-share mo sa amin ng words of wisdom.
Sabi naman ni Naila Feria ng San Juan, Metro Manila, sa kanya raw paglilibot sa iba't ibang part eng kapuluan ng Pilipinas, hindi raw niya kinakalimutang i-promote ang mga programa ng Serbisyo Filipino. Nakikita raw niya na very effective ang personal promotion ng mga programang ito. Karamihan daw sa mga kliyente ng kanilang insurance company ay nakikinig na ngayon sa Serbisyo Filipino at naging bukambibig na raw nila iyong "Ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik." Sabi niya, siya raw ay dating member ng CRI Filipino Listeners Club, at kahit wala na ang club, once a member, always a member.Ipapakilala raw niya ang Serbisyo Filipino saan man siya makarating.
Salamat, Naila, sa tulong mo. God love you.
Masayang Pamilya-- "No amount of success can compensate for failure in the family."
Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "Happy father's day sa lahat ng mga listening dad. Sana magampanan niyo nang tama ang mahalaga niyong calling sa mundo."
Sabi naman ni Techie Villareal ng Singapore: "Maligayang bati sa lahat ng mga haligi ng tahanan. Paano ninyo ise-celebrate ang inyong araw?"
Sabi naman ni Irma ng Shunyi, Beijing: "Kuya Mon, sa pamamagitan ng iyong programa, ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng mga kaibigang papa saan mang bahagi ng mundo. May God bless them all!"
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
OPEN YOUR MIND
(EASON CHAN)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Eason Chan sa awiting "Open Your Mind," na lifted sa kanyang album na may pamagat na "Digital Life."
PARADISE
(JOLIN TSAI)
Iyan naman si Jolin Tsai sa awiting "Paradise," na buhat sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Sabi ni Clarissa ng Shunyi, Beijing: "Kuya Ramon, kahit hindi mo sabihin, talagang bibigyan namin ng suporta ang Gabi ng Musika mo. Where do we get the nerve to refuse someone like you?"
Sabi naman ng 921 577 9195: "Pag tinatanong kita lagi kang okay. Kahit nagkakanda-paos ka na, okay pa rin. Kelan ka hindi okay? Aaaa, pag sinabi kong tapos na ako ng pakikinig sa iyo!"
Sabi naman ng 918 730 5080: "Napakinggan ko Gabi ng Musika mo sa SW radio na regalo mo sa akin. Salamat. Maganda sound quality at maganda rin ang signal ninyo lalo na kung may extension antenna. Enjoy ako ng pakikinig sa iyong music, SMS, e-mails, snail mail at latest chika."
Salamat sa inyong text messages
Gusto kong ipaalala sa inyo at this point na kung meron kayong comment o suggestion na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, maari ninyong i-facebook ang inyong mga mensahe. I-add lamang ninyo ang address na crifilipinoservice@gmail.com. Iyan. crifilipinoservice@gmail.com ang aming address.
>>Pasok sa Ramon's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |