|
||||||||
|
||
June 26, 2011 (Sunday)
Sa unang araw ng darating na Hulyo, ipagdiriwang ng CPC, Partido Komunista ng Tsina, ang ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Kaugnay nito, sinabi ni Manny Feria ng Zambales na utang daw ng mga mamamayang Tsino ang lahat ng mga tinatamasa nilang karangyaan sa buhay kina Chairman Mao Ze Dong at Deng Xiao Ping. Sabi niya, ang dalawang lider daw ay tunay na mga tapat na lider ng masang Tsino at mga dakilang rebolusyonaryo.
Chairman Mao Ze Dong(L) at Deng Xiao Ping (R)
Kumusta kay Laura ng Singalong, Manila. Sabi niya, lagi daw niyang binibisita ang website ng Filipino Service. Ang gusto raw niyang manalo sa city ranking ng China ay iyong Lhaza ng Tibet. Balak daw niya itong bisitahin balang araw.
Lhaza ng Tibet
Salamat sa lahat ng texters na nagpadala ng mensaheng pambati para sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina. Salamat sa 918 730 5080, 910 435 0941, 919 012 0792, 928 415 6462, 917 401 3194, 921 577 9195 at 928 211 6297.
May snail mail si Ma. Victoria Santos ng Quinta Market / Quiapo, Manila. Sabi: "Dear Kuya ramon, kumusta kayong lahat diyan sa Serbisyo Filipino? Lagi akong nakikinig sa inyong istasyon sa short-wave. Mahilig akong makinig sa radyo at maghapon akong nakikinig sa radyo kasi meron akong puwesto ng dry goods sa palengke. Sa umaga, sa short-wave ako nakikinig; pero, sa gabi, sa short-wave-- at sa Filipino Service ako nakatutok. Inaabangan ko ang inyong Balita at Usap-usapan, talakayan hinggil sa mga maiinit at matutunog na isyu, pag-aaral ng wikang Tsino, Chinese pop music at Gabi ng Musika. Madalas din akong magpadala ng reception report at marami na rin akong natanggap na QSL card na ikaw mismo ang pumirma. Nag-aaral akong magluto ng mga pagkaing Tsino kaya sana dumalas pa ang inyong Cooking Show. Balak ko rin kasing magbukas ng karinderya balang araw para madagdagan ang kinikita ko sa dry goods. Alam ko na palayu nang palayo ang nararating ng inyong transmission at lalo kayong nagiging super popular. Sana patuloy na lumakas ang inyong istasyon.
Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "Mabuhay ang Partido Komunista ng Tsina. Marami itong dapat ipag-celebrate this coming July 1st."
Sabi naman ni Baby Jane ng Lipa City, Batangas: "Greetings sa CPC sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Alam ng lahat kung gaano kalaki ang role nito sa social development ng China."
Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing, China: "Binabati ko ang CPC sa kanyang 90th founding anniversary. Marami na itong nagawa at marami pang magagawa sa bayan!"
Salamat nang marami sa inyong mga mensaheng SMS.
NEW
(DAO LANG)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Dao Lang sa awiting "New," na lifted sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
SMS
(GUANG LIANG)
Iyan naman si Guang Liang sa awiting "SMS," na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."
Sabi ng 921 577 9195: "Para sa akin, ikaw ay hindi lamang announcer kundi isa ring listener. Pinakikinggan mo ang mga sama ng loob namin. Mabuhay ka, Kuya RJ!
Sabi naman ng 917 483 2281: "Lahat kami dito sa Samal sama-samang nakikinig sa iyo tuwing Linggo ng gabi pagsapit ng 7:30. Madalas pa nga pati rebroadcast."
928 001 4204: "Kuya RJ, diba Aquarius ka? So, let the sunshine in sa Gabi ng Musika! Hehehe, hindi literal kasi sa gabi program mo. Gusto ko lang magsama-sama ang lahat sa Gabi ng Musika."
Salamat sa inyong text messages.
Gusto ko lang ipaalala sa inyo, at this point, na kung meron kayong comment o suggestion na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ipadala lamang ninyo ang inyong mga mensahe sa 921 257 2397 kung sa SMS o sa Filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail. Kung sa facebook, ang aming address ay crifilipinoservice@gmail.com.
>>Pasok sa Blog ni Ramon
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |