Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-49 2011

(GMT+08:00) 2011-07-05 17:04:31       CRI

July 3, 2011 (Sunday)

Noong nakaraang Biyernes, ang CPC, Partido Komunista ng Tsina, ay nagdiwang ng kanyang ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag. Tumanggap ito ng mga pagbati at papuri mula sa loob at labas ng bansa. Kasama sa mga nagpadala ng mga mensaheng pambati ang masusugid na tagapakinig ng Serbisyo Filipino.

Sabi ni Dr. George Medina ng george_medina56@yahoo.com: "Ang CPC na may mahigit 80 milyong miyembro ay itinuturing na pinakamalaking partidong pulitikal sa buong mundo. Ito ay partidong pulitikal at siyang naghaharing partido sa Tsina pero hindi ito gaanong mapulitika sa pagtupad nito sa tungkulin. Sapul noong itatag ito, 90 taon na ang nakararaan, ito ay nagsilbi sa bayan nang tapat at walang halong pulitika. Iyan ang ipinagkaiba nito sa mga partidong pulitika ng ibang bansa."

Sabi naman ni Manny ng many_feria@yahoo.com: "Hindi maaring batiin ang CPC nang hindi ito napapapurihan sa mga nagawa nito sa bayan nitong nagdaang 90 taon. Nilutas nito ang mga pundamental na suliranin ng mga mamamayan na tulad ng pagkain at damit na maisusuot at nagawa nitong itaas ang antas ng pamumuhay ng buong sambayanang Tsino. Ito ay dapat pamarisan ng ibang mga partidong pulitikal sa ibayong dagat. Maligayang bati sa CPC sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Sabi naman ni Let Let Alunan ng paulette_anne@yahoo.com: "Binabati ko ang CPC sa pagdiriwang nito ng 90 taong kaarawan. Maraming lihim at hayagang humahanga rito. Kasama ako sa huli. I am very proud of this party. Ang nagawa nito sa nagdaang maraming taon ay hindi nagawa ng alinmang partidong pulitikal ng ibang bansa. Masuwerte ang mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon nila ng CPC. Mabuhay ang CPC at ang mga mamamayang Tsino."

Maraming salamat sa inyo, Dr. George, Manny at Let Let, at ganundin kina Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch; Sylvia ng angelsylvia@atlantic.net; Kate ng red_ford@yahoo.com; at Poska ng poskadot610@hotmail.com.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Sabi ni Filie ng Sta. Catalina College Manila: "You gave us back that loving feeling. You are with us every day. Oh my!"

Sabi naman ni Desta ng Shunyi, Beijing, China: "Iyan, ganyan nga, Kuya Mon. Magparamdam ka araw-araw!"

Sabi naman ni Candy ng Chaoyang District: "Pieces of love and pieces for peace on Gabi ng musika. You are so sweet and so cute!"

Maraming salamat sa inyong text messages.

EVENING MUSIC

(JAY CHOU)

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jay Chou sa awiting evening music, na hango sa album na pinamagatang November's Chopin 11.

MU DAN RIVER

(NAN QUAN MAMA)

Iyan naman ang Nan Quan Mama sa awiting Mu Dan River, na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Sabi ni Techie Villareal ng New Territories, Hong Kong: "Hindi ko pinalalampas ang inyong Gabi ng Musika. Ang mga mensahe ng listeners ay talaga namang nakakapagpasigla."

Sabi naman ni Joselito ng Kamias Road, Quezon City: "Meron nang initials e di ko pa rin makuha blind items ng inyong Balitang Artista. Dapat siguro sa row 4 ako, he-he-he."

Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Binabati ko on air iyong mga kumpare natin sa M/V Aldavaran. Facebookmates kami ngayon. Salamat, Ka Ramon!

Thank you so much sa inyong mga mensaheng SMS.

Gusto kong ipaalala sa inyo, at this point, na kung kayo ay nagpe-facebook, maari ninyong i-add ang aming address na crifilipinoservice@gmail.com kung meron kayong mensaheng gustong ipaabot sa amin o kung gusto ninyong makaugnayan ang sinuman sa amin dito sa Serbisyo Filipino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>