![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
July 10, 2011 (Sunday)
May nagtatanong kung paano ko daw gingawa ang Sunday obligation ko. Mula noong dumating ako sa china, noong mga 1990's, walang sagabal na naisasakatuparan ko ang Sunday obligation ko. Merong catholic cathedral dito sa Beijing na itinayo noong 1800's ng isang Italian Jesuit Missionary. Ang tawag namin dito ay Nan Tang o Church of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary. Sa kasalukuyan ang misa dito ay tulad sa misa natin diyan sa pinas at sa wikang Ingles. Maraming pilipinong nagsisimba rito at maging iyong mga miyembro ng choir ay Pilipino rin.
South Cathedral (Nan Tang) sa Downtown Beijing
2 weeks ago, nagpunta kami ng mga kasamahan ko sa Marco Polo Hotel dito sa Beijing para sa Filipino Food Exhibition. Merong asadong baka, pininyahang manok, sinangag, sinigang, lechon kawali, lumpiyang prito, leche flan at iba pa. Maganda ring ideya iyon.
Filipino Food Fest sa Marco Polo Hotel Beijing
Hindi pa talagang nakikilala ang Philippine food sa mundo. Kulang na kulang sa promotion eh.
Dumating ng Beijing si Hon. Albert Del Rosario, kalihim ng suliraning para sa isang official visit. Ang kauna unahang pagbisita niyang ito sa china ay sa paanyaya ng kanyang counterpart at naglalayong alamin ang kalagayan ng mga pilipinong namamalagi sa china at matalakay nila ng Chinese leaders ang hinggil sa mga isyung namamagitan sa pilipinas at tsina sa kasalukuyan. Bumalik sya ng pilipinas kahapon ng madaling araw.
Hon. Albert F. del Rosario, Kalihim ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas
Sabi ni cashmere Jane ng Cebu City; lagi daw siyang nakikinig ng gabi ng musika kasi very inspiring daw ang letters ng mga tagapakinig at very entertaining daw ang balitang artista. Higit sa lahat daw, very touching ang voice ng inyong lingkod.
Salamat Cashmere. Hay naku, flattered na flattered ako, hehehe.
Sabi ng 915 807 55 59: "Binabati ko ang CRI sa pagse-celebrate nito ng 70th anniversary! More power and more music please!"
919 426 05 70: "Kahanga hanga ang efforts na ipinakikita ng CRI sa pagganap nito ng tungkulin as a 'bridge of friendship between Chinese and Filipinos'. Sana maabot ninyo ang mahirap maabot na sulok ng daigdig".
917 401 31 94: "Sana madagdagan pa ang interesting programs at gimmics ng Filipino Service sa pagdiriwang ng CRI ng 70th Anniversay."
HOME IN THE NORTH –EAST
(PANG LONG)
Iyan naman si Pang Long sa awiting Home in the Norht –East na lifted sa album na may pamagat na 2 Butterflies.
TEN YOUNG FIREFIGHTERS
(EASON CHAN)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Eason Chan sa awiting Ten Young Firefighters na lifted sa album na pinamagatang Digital Life.
Sabi ni Roxane Aquino ng Shunyi Beijing China: "Hi kuya Mhon! How are you these days? Hindi ko alam kung ano ang latest health status mo. Hindi mo ipinaaalam sa amin on air o via facebook. Hope you are ok."
Sabi naman ni Pearl ng Liangmahe: "Kumusta kuya RJ? Kararating ko lang from Mongolia. I enjoyed the place, I mean the grassland, the food and drinks and the horses. See you sometime."
Sabi naman ni Ammy ng Sorsogon, Philippines: "okay naman ang voice mo these days,kuya Ramon, kaya I presume na ok ka na rin. But then, gusto ko na ring malaman mula sa iyo kung positive ang result ng iyong treatment."
Salamat sa inyong text messages!
Gusto kong ipalala sa inyo, at this point, na kung kayo ay nagpa-facebook, i- add lamang ninyo an gaming address na crifilipinoservice@gmail.com, at maipaparating ninyo sa amin ang inyong mga mensahe at makakaugnayan ang sinuman sa amin dito sa Serbisyo Filipino. Uulitin ko, crifilipinoservice@gmail.com.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |